Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kapamilya stars bawal nang lumabas sa TV5

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

ANO kaya ang gagawin ng TV 5 ngayong nag-issue na raw ng memo ang management ng ABS-CBN na ba-wal nang lumabas ang talent ng Dos sa Singko?

Sa umpisa pa lang, nang buksan ang bagong TV 5, ay pinagbawalan na ang talent ng GMA-7 na luma-bas or mag-guest sa natu-rang network.

Ngayong bawal na ang talent ng Kapamilya at Kapuso sa TV5, paano na ang mga artista na karamihan ay nasa pangangalaga ng Dos na may programa sa Singko?

Mapipilitan na silang mamili, maging Kapamilya forever or manatiling nasa TV5.

* * *

NAKAUSAP namin si Emi-lio Garcia, ang Best Supporting Actor sa nakaraang PMPC Star Awards for Movies, tungkol sa pa-kikipagbasagan niya ng mukha sa kapwa aktor na si Michael Flores.

Wala na bang project si Emilio kaya pati pakikipagsapakan sa kapwa artista sa ring na tinawag na Warrior ay tinanggap niya?

"Hindi naman sa walang project. 'Di naman ako pinababayaan ng GMA-7. Lagi akong isinasama sa bagong projects ng Kapuso. Sumali ako sa Warrior ring dahil gusto kong maglaro," paliwanag ni Emilio.

Pero nang malaman daw ni Emilio na si Michael Flores ang makakalaban , feeling dehado siya dahil mas bata sa kanya ang kalaban at tigasin ito kung tingnan.

"Pero, tinalo ko siya. Nasaktan ako nang tamaan niya ako sa panga. Ang sakit! Gumanti ako at tinamaan ko siya sa tagiliran. Sa second round pa lang ay umayaw na siya at pagkatapos ng laban ay tiningnan ng doktor ang blood pressure ni Michael. Tumaas daw," kuwento pa niya.

Ang susunod na ma-kakalaban ni Emilio ay si Juddha Paolo ng Star Magic.

Tungkol naman sa business niyang Tapa King, isinara na lang daw niya ito dahil mas malaking halaga na ang hinihingi sa kanya bilang franchise ng natu-rang food chain.

Samantala, kasama si Emilio sa Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin ng GMA-7.

Nang tanungin kung ano ang hindi niya hahayaang maagaw sa kanya, bulalas niya: "Agawin na nila ang asawa ko, 'wag lang ang aking mga anak. "

* * *

AKALA namin ay okey na sina Annabelle Rama at Joanne Maglipon, editor ng PEP, nang bigyan ng pa-maypay at payong ng una ang huli sa burol ni Douglas Quijano.

May text message ka-ming nasilip sa cellphone ng isang kapatid sa hanapbuhay na galing kay Annabelle Rama ukol sa hindi pagkakapili ng mga anak nitong sina Richard at Ruffa bilang isa sa most beautiful faces in showbiz ng PEP magazine.

Sa text ay nakasaad na: "Hi! This is Annabelle Rama. Nabasa ko na dalawang magkapatid ang hindi nasali sa pagpili ng most beautiful faces in showbiz.

"Ang sagot ko: Wala akong pakialam sa award na galing sa isang local magazine na hindi naman credible. Importante, panalo ng award si Richard for being number one Prime Time King. "

Oo nga naman! Until now ay No. 1 pa rin ang Zorro ni Chard.

"Nagpapasalamat si Chard sa taumbayan at supporters niya sa TV and movie sa walang sawang pagtangkilik sa kanya. Mas importante sa akin ang ratings ng show at box-office receipts ng movie.

"Si Ruffa naman, naka-display pa rin ang award niya sa Ms. World Second Princess. Tinalo niya ang mga kasama niyang 83 contestant sa iba't ibang nation. 'Di ba, mas bongga ang awards na natanggap ng magkapatid?

"Expected naman 'yun. Paano mananalo ng awards ang mga anak ko, ang nagbigay ng award ay galing sa isang taong nakademanda. We don't expect anything from them. Pls pass!"

Samantala, kahit anong intriga kay Richard ay tuloy pa rin ito sa pagtatrabaho at hindi nagpapaapekto.

* * *

Medyo nabago ang costume ni Darna na gagampanan ngayon ni Marian Rivera at walang reklamo ang aktres.

In fact, mas bumagay kay Marian ang bagong costume sa dating outfit na isi-nuot ni Angel Locsin as Darna.

Anyway, bigay-todo sa pagte-training si Marian bilang bagong Darna para hindi raw mawala ang tiwala sa kanya ng direktor at ng GMA-7 na all-out ang ibinibigay na suporta sa kanya.

Ani Marian, pambawi raw niya ang Darna sa mga umiintriga na kesyo hindi bagay sa kanya ang role dahil mas click daw siyang napapanood kapag silang dalawa ni Dingdong Dantes ang magkapareha.

Base sa teaser nito, ti-yak nang inaabangan ang Darna ni Marian ng mga bata at kalalakihan na gustong makita ang kaseksihan niya.

Source: Taliba