| | Kapamilya stars reveal how they would choose the right leader for the country Author: Rachelle Siazon In the second part of ABS-CBN.com's survey during the recent COMELEC (Commission on Elections) registration at the ABS-CBN compound, Valerie Concepcion, Erik Santos, Enchong Dee, and Mark Bautista shared what factors they would consider for candidates in the upcoming 2010 elections. All four are first-time voters and they stressed the significance of choosing the kind of leaders who can really bring peace and progress to the country. They also attested to the fact that the youth's active participation would have a greater impact in this much-awaited nationwide event next year. Valerie Concepcion (21 years old, Wowowee host) Sabi nga natin ako ang simula. So proof lang itong registration na ito na kaming mga artista, tulad nila Pokwang and Mariel Rodriguez na dumaan na rin dito, willing kami maging part ng pagbabago sa Pilipinas. So sana yung mga kabataan din ma-inspire din sila na magparegister and bumoto next year. Bago ako magdesisyon kung sino ang susuportahan kong kandidato, siguro dapat alamin natin kung sino ang mas kayang mag-lead ng bansa natin. Sino nga ba ang maraming accomplishments na nagawa? I think yun ang pinakaimportante. Kasi if they've done a lot already nung hindi pa sila naeelect, what more can they do if they're in the position na magiging president or vice-president? Erik Santos (27 years old, singer) Dati kasi hindi talaga ako bumoboto. Pero parang nagising ako ngayon kasi nga I want change sa bansa natin. Aware naman tayo na talamak ang katiwalian sa gobyerno pati mga nababasa mong hindi maganda sa dyaryo. So bilang isang citizen, kailangan mong gumawa ng hakbang para in your own little way mabago yung kung ano mang maling sistema ng pamamalakad ng gobyerno natin. Sa pagpili ng iboboto ko, unang-una kong isasaalang-alang yung reputation nila, mahalaga yun e. For me, ang pagli-lead ng isang bansa, kailangan magsimula sa isang taong may malinis at mabuting puso. At sa ating mga botante nakasalalay ang pagpili nung ganong klaseng leader." Enchong Dee (19 years old, star of Katorse) Sabi nga sa akin nung nag-OJT ako, what would make our country more poor is kapag yung tao nawalan ng participation. Kumbaga the power is in the people. Ano na lang ang mangyayari kung yung tao wala ng pakialam 'di ba? Yung power mapupunta lang sa taong gustong magtake advantage. When choosing a candidate, first I would look at their campaigns, then yung background nila, and third kung saan nanggaling yung pinangkampanya nila. To those who are allowed to vote already, go and register, malapit na yung deadline. Second, kung boboto ka, siguraduhin mong makakatulong ka sa bansa kasi talagang ang hirap-hirap ng buhay ngayon and hindi biro yung pagiging leader ng bansa natin. Sana isipin natin yung kapakanan ng karamihan hindi lang yung pansariling interes. Mark Bautista (28 years old, singer) First time kong magregister. Sabi ko it's about time na at least kahit papano yung isang boto ko magkasilbi naman. Dati kasi siguro parang wala lang sa akin. Hindi ko masyado binigyang importansya yung pagre-register. Pero sa grabeng kaguluhan na rin ng Pilipinas, narealize ko na makakatulong din naman siguro kahit isang boto lang yung sa akin. I'm sure hindi lang ako yung first time magregister. At kung yung karamihan na yun e sabay sabay magregister, malaking bagay na yun. Especially sa panahon ngayon, kailangan talaga tayong makapagdecide kung sino ang karapat dapat na umupo sa pwesto. Source: ABS-CBN Interactive |
|