Mar 12
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kapamilya stars unite in seeking help for victims of Ondoy

Kapamilya stars unite in seeking help for victims of Ondoy

Author: Bernie Franco

Tinatayang labing-isang oras sumalang kahapon si Kris Aquino, Kim Atienza, Tina Munsod-Palma at Fr. Tito Caluag kasama ang ilang celebrities para sa special coverage ng ABS-CBN sa bagyong Ondoy sa pangangalap ng tulong para sa mga nabiktima ng bagyo. Sa pamamagitan ng telethon, nangalap ang Kapamilya network ng tulong pinansyal at relief goods na umabot na sa milyon-milyong halaga para maipaabot sa mga nasalanta ng bagyo.

Paliwanag ni Kris sa The Buzz kahapon, "It's because we experienced loss. I think a part of my heart really got opened up really because we lost mom and I feel when you know pain, you know the pain of others so much more and you wanna do something to help alleviate the pain kasi andaming tumulong sa 'yo, eh, so gusto mong isauli lang ang tulong na 'yon."

Dagdag pa ni Kris at ang kanyang co-host na sina Boy Abunda at Ruffa Gutierrez, walang pinipili ang kalamidad at lahat ay tinamaan. Marami rin kasing artista ang humingi ng panawagan kahapon sa The Buzz dahil naapektuhan din sila ng bagyo. Ayon kay Kris, ang nasabing kalamidad ay kalampag para sa lahat upang ingatan ang kalikasan at pangalawa, iwasan ang pagkakalat at isaalang-alang ang pagre-recycle ng mga basura.

Marami ring mga Kapamilya stars ang nakibahagi kahapon sa nasabing telethon para sa pagkalap ng tulong at donasyon, kabilang na sina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Kim Chiu, KC Concepcion, Melissa Ricks, Jake Cuenca, Pokwang, Nikki Gil, Mark Bautistan, Jed Madela, Karylle, at Jericho Rosales.

Samantala, naglabas naman ng official statement ang ABS-CBN at ipinaabot na patuloy ang kanilang pagtulong hanggang malampasan ng sambayanan ang nasabing pagsubok.

For bank donation: BDO 5630020111, ABS-CBN Foundation Inc.
For overseas donation: 1-800-527-2820 or log on to www.abscbnfoundation.org
In kind donation: Drop off sites are at 13 Examiner St. or at Scout Bayona (infornt of Rembrant Hotel)

Source: ABS-CBN Interactive