Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kapangitan ni Anne  Curtis, matanggap kaya ng mga barako?

Kapangitan ni Anne  Curtis, matanggap kaya ng mga barako?

Author: Dondon Sermino
Column: Palaban 'To No!

MASAYA ang kampo ni Anne Curtis ngayon, dahil makalipas ang ilang buwang ispekulasyon, sa kung sino ba ang karapat-dapat na gumanap na bida sa Kampanerang Kuba, ang ilalabas na teleserye ng ABS-CBN, siya pa rin ang nagwagi sa bandang huli.

Oo nga, masyado nang maraming pinagdaanan ang kuwentong ito. Lumabas na noon ang mga pangalan nina Jodi Santamaria, Heart Evangelista, Angelika Panganiban at marami pang iba, na siya raw magiging title role, pero heto na nga, ang byuti pa rin ni Anne ang winner.

May isanglibo at isandaang dahilan nga si Anne para maging masaya ngayon. Ito ang kauna-unahang teleserye na pagbibidahan talaga niya, at hahawakan pa ng mga beteranong director sa teleserye na tulad nina Wenn Deramas at Andoy Ranay.

Buo ang loob ni Anne na kung ano man ang tagumpay ng mga artistang na-handle na noon ng dalawang director, �yun din ang tagumpay na makakamtan niya.

Eh, lalo pang sumaya si Anne, dahil hindi basta-bastang mga artista ang ibinibay na susuporta sa kanya. Imadyin, susuportahan siya ng mga mahuhusay at hinahangaang aktres sa telebisyon na tulad nina Eula Valdez at Jean Garcia.

At kinuha pa ng Dos si Jomari Yllana mula sa GMA 7 para makasama ni Anne, ha. At ang dating sinasabing bida sa teleserye na ito ang siyang gaganap na kontrabida ni Anne, si Jodi nga.

Sa unang pagkakataon, pumayag si Jodi na maging kontrabida, na kung tutuusin ay puwede naman niyang tanggihan, dahil may name na rin naman siya at tanggap na tanggap bilang bida.

Masuwerte rin si Anne, dahil ang guwapong si Patrick Garcia ang makakasama niya, pati na ang pop heartthrob na si Christian Bautista, na tinitilian talaga ng mga kababaihan ngayon.

Ngayon lang makikitang aarte si Christian, at siguradong aabangan ito ng mga fans niya.

Well, sana lang ay pagbutihin talaga ni Anne ang kanyang trabaho. Sana lang ay maniwala talaga ang mga tao sa kanyang kakayahan.

Sana rin ay matanggap talaga siya ng mgs fans niya bilang pangit na babae. Sana rin ay hindi ma-turn off sa kanya ang mga lalakeng tagahanga niya kapag ipinakita na ang kanyang kapangitan.

***

Speaking of Jomari Yllana, tuluyan na nga siyang makakaiwas kay Ara Mina, o sa mga intriga sa kanila ng dating syota, dahil magkaiba na ang kanilang istasyon.

Kung noon nga ay mahirap para sa kanila ang mag-iwasan, dahil nasa isang bakuran lang sila, ngayon ay hindi na ito problema, dahil magkalaban na ang kanilang mga pinagtatrabahuhan.

Titigil na rin siguro ang entertainment press sa pangungulit sa dalawa, na puwede ba o possible ba na magsama sila sa isang teleserye o sabay na mag-guest sa isang show?

Anyway, matagal na rin naman silang hiwalay, at siguro naman, tama lang na tigilan na sila, �di ba? May kanya-kanya na silang drama sa buhay at may kanya-kanya na ring kasiyahan o mga taong nagpapasaya sa kanila.

Pero, ngayong nasa Dos na si Jomari, ang pagsasama naman nila ni Aiko Melendez ang inaabangan. Nasa bakuran ng Dos si Aiko, at noon pa man ay inaabang-abangan na ng marami ang pagsasama nila.

Siguro, ito na rin ang tamang panahon para bumalik na sa kandungan ni Aiko si Jomari, kahit na sa harap ng kamera na lang. Anyway, nandiyan pa rin naman ang mga fans nila na gusto pa rin silang makita na magkasama.

Ito na kaya ang teleserye na sinasabing pagsasamahan nina Jomari at Aiko?

Source: Abante