Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kapangyarihan at katatakutan sa 'E.S.P.'

Kapangyarihan at katatakutan sa 'E.S.P.'

Author: People's Taliba

NAKARIRINIG ka ba ng tinig kahit walang ibang tao sa iyong paligid? Nakakakita ka ba ng taong namayapa na? May kakayahan ka bang makipag-usap sa mga espiritu?

Takot ka ba sa multo o may tapang ka na kilalanin sila, pero hindi mo lamang alam kung paano? At paano kung sa paggising mo isang araw, sila na ang makakasama mo oras-oras?

Ngayong Pebrero, magsisimula na ang isang programang magbabago sa Huwebes ng gabi sa lalong mas pinaigting na mga programa ng GMA-7 dahil ilulunsad na ang pinakabagong suspense-drama sa telebisyon, ang E. S. P.

Pinangungunahan ni Iza Calzado, ang pinakamainit na drama actress ngayon sa Pilipinas na hinangaan din sa Asya sa kanyang angking ganda at maging sa Hollywood sa kanyang galing sa pag-arte. Makakasama niya sa nakapangingilabot na programang ito sina Alfred Vargas, Francine Prieto, Liza Lorena, Paolo Paraiso, Pen Medina, Patricia Ismael at Nonie Buencamino.

Gagampanan ni Iza ang papel na si Cassandra, isang beauty queen na naging investigative journalist.

Sobra ang pagiging ambisyosa ni Cassandra at gagawin ang lahat, ma-kakuha lang ng scoop. Ang nag-uumapaw niyang determinasyon para mauna sa balita ang nagbigay sa kanya ng kasikatan.

Masaya rin si Cassandra sa tinatamasang ta-gumpay dahil bukod sa gumagandangcareer, may magugustuhan siya ng gu-wapong TV executive, si Dave (Alfred Vargas).

Ngunit magkakaroon ng sagabal sa mga plano ni Cassandra dahil hindi magpapatalo ang karibal niyang si Ivy (Francine Prieto), na gusto ring maging pinakamagaling na investigative reporter sa industriya ng broadcasting.

At hindi lang sa trabaho magkaribal sina Cassandra at Ivy, pati rin sa la-rangan ng pag-ibig.

Pero, hindi paaawat si Cassandra. Ang pagiging ambisyosa niya ang magdudulot ng isang trahedya sa kanyang buhay at mag-hahatid sa kanya sa bingit ng kamatayan at magpapabago ng mundo niya.

Sa pagbabalikng ulirat ni Cassandra mula sa muntik na niyang pagkamatay, magbabago ang lahat. Magiging Malabo sa alaala ng dalaga ang tung-kol sa kanyang nakaraan, lalo na ang kanyang ganid na katauhan.

May nawala man, magkakaroon din ng kakaibang kakayahan si Cassandra, ang ESP o ang extrasensory perception niya.

Makaya kayang hara-pin ni Cassandra ang bago niyang buhay at ang bago niyang kakayahan? O iiwasan niya ang bago at 'di pangkaraniwang respon-sibilidad?
May pag-asa pa kaya siyang makapamuhay ng normal? Makabalik pa kaya siya sa piling ng binatang minamahal?

O, makasanayan na niyang mabuhay sa kanyang bagong mundo at pagka-karoon ng bagong pag-ibig?

Mula sa panulat ni Jun Lana at sa direksyon ni Argel Joseph, malalaman na ang kasagutan sa mga tanong na ito sa pagsisimula ng pinakabagong suspense-drama sa telebisyon, 'E. S. P. ', na magsisimula sa Peb. 7 pagkatapos ng GMA Telebabad.

Source: Taliba