Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kapintasan ni Ara Mina ibinuko ni Cristine Reyes

Kapintasan ni Ara Mina ibinuko ni Cristine Reyes

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

HALATANG tensyonada at stressed si Cristine Reyes nang maupo ito sa hot seat ng The Buzz para sagutin ang Tough Ten questions na inihanda para sa kanya. Itinanong kay Cristine kung sa lahat ba ng mga na-link sa kanya ay sino kina Willie Revillame, John Lloyd Cruz, Dennis Trillo, Jericho Rosales at Richard Gutierrez ang pinakama-appeal at sino naman 'yong walang dating para sa kanya.

Sinabi ni Cristine na sina Willie at Lloydie ang medyo lesser ang appeal sa kanya. Habang sina Jericho at Ri-chard naman ang nangu-nguna sa listahan ni Cristine.

Ayon pa sa aktres, si Dennis naman daw ay malakas pa rin ang appeal para sa kanya. Siyempre, nakarag-dag na rin ang katotohanang may pinagsamahan sina Cristine at Dennis kaya hindi puwedeng basta na lang maetsapuwera ang aktor.

Naku, mukhang mara-ming magre-react tungkol sa ranking ni Cristine sa mga lalaking ma-appeal para sa kanya. Kung sa bagay, kanya-kanyang pananaw lang naman 'yan , di ba?

Sinabi rin ni Cristine sa interbyung 'yon na habang tumatagal ay lalong lumalalim ang closeness nila ni Ri-chard. Baka may magselos kay Cristine, huh?

Mukhang wala naman daw. Eh, ano naman kaya ang say ni Jewel Mische sa ka-sweet-an nina Chard at Cristine?

Kahit medyo nininer- biyos na ang aktres, game pa rin niyang sinagot ang katanungan tungkol sa ate ni-yang si Ara Mina.

Inusisa si Cristine kung ano ang mga katangian na ayaw at gusto niya sa kan-yang nakatatandang kapa-tid?

"Ang gusto ko kay Ate, 'yong pagiging matulungin niya, madali siyang lapitan. Ang ayaw ko sa kanya, 'yong pagiging chismosa niya," walang gatol na sagot ni Cristine na halatang kinabahan din sa pambubuko sa kapa-tid.

"Naku, lagot ako pagdating ko sa bahay!"

Anyway, excited si Cristine sa pelikulang pinagsamahan nila ni Richard. Dito raw sila naging malapit sa isa't isa ng aktor.

Well, sana lang hanggang matapos ang movie na ito, eh, maging consistent pa rin ang closeness nilang da-lawa.

* * *

VERY pleasant ang dating ng pag-uusap namin ni Mi-riam Quiambao sa presscon ng Patient X (showing sa Oct. 28) kung saan isa siya sa mga cast ng pelikulang pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Cristine Re-yes kasama sina TJ Trini-dad at iba pang stars ng GMA7.

Kasama ang ilang entertainment press, tinanong na-min si Miriam kung kumusta na siya ngayon after eve-rything that she went through.

"Heto, I'm very happy with my work, this is my third movie and my first full-length one, at challenge ito sa akin dahil suspense/ horror pa. Ang galing ng ef-fects namin dito," proud na sabi ni Miriam about their Yam Laranas project.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang pinagdaanan ng beauty queen- host turned-actress. Sa peak ng kanyang career, nagmahal siya at nagdesisyong iwanan ang kanyang pagsu-showbiz.

Flashback muna tayo: napangasawa ni Miriam ang Italyanong si Claudio Rondenelli at nagdesisyon silang manirahan sa Hong Kong kung saan naka-based ang asawa. Unfortunately, things didn't work out sa marriage nila. Ngayon, tuluy-tuloy na ang pagbabalik ni Miriam trying her luck again at nagpapasalamat siya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng bagong manager na si Annabelle Rama at ng GMA7.

Agad naming tinanong si Miriam kung handa na ba siyang makipagrelasyon ulit matapos ang malungkot na kabanatang 'yon sa buhay niya? Gusto raw muna ni-yang makilala nang husto ang kanyang magiging new partner in life.

"Mas maganda kasi kung ang partnership nin-yo ay klarado kesa sa relationship n'yo lang, eh," paliwanag ng beauty queen. Oo nga naman. Iba ang pagiging mag-partner kesa sa magka-relasyon lang.

Nagkaroon din ng exclusive interview si Miriam sa The Buzz nu'ng Linggo at doon ay inilahad niya ang la-hat tungkol sa kanyang marriage at hiwalayang mag-asawa. Damang-dama namin ang emosyon ni Miriam at sinabi niyang relief na rin ang kanyang nararamdaman na sa wakas she is finally in the process of filing her annulment here in the Philippines.

Diretsahang tinanong si Miriam kung totoo bang nag-karoon ng pagkakataong nasaktan siya physically ng dating asawa. Ito kasi ang na-ging usap-usapan noong kakahiwalay pa lang nina Mi-riam at ng kanyang mister.

"No! But I experienced emotional and verbal abuse," prangkang sabi pa ni Miriam na hindi na napigilan ang pagtulo ng luha.

Ngayon, hangad ni Mi-riam na maging maayos ang lahat and she said, they both wished each other well. Nag-tatawagan daw sila ng dating asawa, at nagkausap na rin sila in person.

Source: Taliba