Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Karla Paula Henry, bagong Miss Philippines-Earth!

Karla Paula Henry, bagong Miss Philippines-Earth!

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

SUPER init ang naganap na laban last Sunday sa Miss Philippines-Earth 2008, na ginanap sa Crowne Plaza Hotel.

Mainit dahil sa simula ay mahirap talagang malaman kung sino sa kanila ang winner, ha!

Pero siyempre, sa bandang huli ay tinanghal na winner ang pinakamaganda at pinakamatalino sa lahat.

Winner nga ang Cebu City, dahil ang representative nilang si Karla Paula Henry ang tinanghal na Miss Philippines-Earth 2008.

Kunsabagay, kung beauty at kaseksihan ng katawan ang pag-uusapan, hindi talaga pahuhuli ang Cebuana na ito. At sa totoo lang, maraming Cebuana na ang nag-uwi ng titulo sa iba't ibang beauty contest, ha!

Anyway, nagwagi rin si Maria Venus Raj ng Legazpi, City bilang Miss Philippines-Eco Tourism, Marie Razel Eguie ng Dipolog City bilang Miss Philippines-Air, Melanie Felix ng Fil-USA-East Coast bilang Miss Pagcor International at Tourism Ambassador, si Marian Michelle Oblea ng Municipality of Obando ang tinanghal na Miss Philippines-Water at si Ma. Kristelle Lazaro ng Municipality of Candaba ang nanalong Miss Philippines-Fire.

Gaya nang dati, hindi ordinaryong beauty contest lang ang sasabakan nila sa mga darating na araw, dahil kailangan ay may kaalaman talaga sila sa kapaligiran, at dapat ay may matinding malasakit sila sa sitwasyon ng ating mundo.
***

Tama ang ginagawa ng komedyanteng si Rubirubi, na hindi niya kinukopya ang style ni Ai Ai delas Alas bilang komedyante. Kahit sinong artista na gustong sumikat, hinding-hindi nila makukuha ang pangarap nila kung puro pangongopya lang ang alam nila.

At least si Rubirubi, may sarili siyang style na nagugustuhan sa kanya ng mga fans niya. At `yun ang dapat niyang ipagpatuloy.

Sa May 16 nga pala ay may show si Rubirubi sa Metro Concert Bar, kasama ang Boyz.com, ang Rubirubi@Boyz.com 2.

Sabi ni Rubirubi, commitment daw nila ito sa mga fans nila na panay ang request na mag-show sila ulit. Pero, sisiguraduhin daw nila na mas maraming malalaking production number silang gagawin ngayon, kesa sa ginawa nila noon sa Zirkoh Greenhills.

Eh, mukhang enjoy na enjoy naman si Rubirubi sa grupo nina Polo Ravales, Frank Garcia, Gabb Drilon, Alwyn Uytingko, at Joseph Bitangcol.
Sa show nga pala nila, kakantahin ni Rubirubi ang One Night Only, na sikat na sikat sa pelikulang Dream Girls, na kinanta ni Beyonce.

At bukod sa show na ito, magiging busy rin si Rubirubi sa pelikulang Bad Girls, na ididirek ni Joel Lamangan.

Magiging special guest din sa show na ito sina Rufa Mae Quinto, Jan Nieto, at Hazel Ann Mendoza.

Ang Quezon City Chamber of Commerce ang bene­ficiary ng show na ito.

Ang Benefits Style Salon, Tony & Jackey, Best Korean Hair Stylist and Lyf, ang sponsors ng show na ito.

Para sa mga detalye, puwede kayong tumawag sa DMV Entertainment sa 415-0373.

Source: Abante