Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Karlyn, tagahugas ng kotse sa Las Vegas

Karlyn, tagahugas ng kotse sa Las Vegas

Author: Jojo Gabinete
Column: The Source

Si Karlyn Bayot aka Karlyn Bay, ang bunsong kapatid ni Lani Misalucha.

Siya rin ang makakasama sana nina Ciara Sotto at Rizza Navales sa musical show na Fever na itatanghal sa Melanja, Las Vegas.

Sa interbyu kay Cia­ra na na-publish sa PEP noong July 10, 2008, sinabi niya na hindi pa natutuloy ang staging ng Fever dahil kailangan pa ng mga permit:

“The venue is fi­nished, pero marami pa siyang proseso. Mara­ming kailangang permits. Marami pang kaila­ngang approval sa go­vernment.

Siyempre inu­una nila 'yong mga bigger venues. So, natatagalan 'yong sa amin.”

Nagkakilala kami ni Karlyn nang panoorin namin sa Mandalay Bay Events Center ang laban nina Manny Pacquiao at Oscar de la Hoya noong December 6, 2008.

Nabanggit ni Karlyn na kabilang siya sa cast ng Fever pero walang katiyakan kung matutuloy pa ang pagpapalabas sa musical show na pagbibidahan sana nila nina Ciara at Rizza.

Nang makakuwentuhan namin si Karlyn, ipinagtapat niya na financial reasons ang dahilan kaya hindi natuloy ang pagtatanghal ng Fever.

Magdadalawang-taon na si Karlyn sa Las Vegas at hanggang ngayon, hindi pa sila nababayaran ng produ­cer ng Fever. Malumanay ang pagsasalita ni Karlyn. Naiintindihan niya ang sitwasyon ng producer dahil nagkaroon ito ng mga problema sa production.

Gusto ni Karlyn na matuloy ang staging ng Fever pero habang malabo pa ang lahat, humanap siya ng mapagkakakitaan tulad ng paglilinis ng kotse para maka-survive sa Las Vegas.

Hindi pa puwedeng bumalik sa Pilipinas si Karlyn dahil inaayos pa ang mga papeles ng residency niya sa Amerika.
***

Nalaman namin na itinanggi ni Dr. Manny Cala­yan na nagsalita siya ng “Sino 'yon?” nang banggitin sa kanya ang pangalan ni Annabelle Rama sa presscon ng dance concert nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa 3rd floor ng Radisson Hotel sa Culver City.

Hopefully, hindi papabulaanan ni Dr. Calayan ang kanyang sinabi nang hingin namin ang reaksyon niya sa isyu na hindi natuwa si Sharon Cuneta nang ma­laman nito ang balita na may duet sila sa Calayan record album na nakatakdang i-release sa January 2009.

“Calayan Duets with The Icons” ang title ng record album ni Dr. Calayan at ang Bellehaus Records ang producer nito.

Ayon kay Dr. Calayan, ang tauhan ng Bellehaus ang nagsabi na pumayag si Sharon na magkaroon sila ng duet sa album na ginagawa niya.

“Palagay ko, hindi siya papayag,” ang kanyang initial reaction nang malaman niya ang balita.

Nagtataka ngayon si Dr. Calayan sa mga balitang lumalabas na hindi ikinatutuwa ni Sharon ang isyu. Inisip niya na baka ayaw ni Sharon na ma-associate sa kanya.

Sina Martin Nievera, Pops Fernandez at Jed Madela ang ilang sa mga kilalang singer na nagpaunlak na maka-duet si Calayan para sa album nito.
***

Nakilala namin sa isang event noong Huwebes ang businessman at ex-boyfriend ni LJ Reyes. Filipino-Chinese ang lalake at kinumpirma nito na hiwalay na sila ni LJ mula pa noong October 2008.

Nang makausap namin si LJ sa presscon ng Una Kang Naging Akin, ganadUng-ganado siya sa pagkukuwento tungkol sa relasyon nila ng kanyang businessman boyfriend. Nauwi rin pala sa hiwalayan ang love affair nila.

Source: Abante