|
|
| Karylle Kapamilya na!Author: Vinia Vivar Pumirma na ng one-year exclusive contract si Karylle sa ABS-CBN last Tuesday afternoon at kinagabihan, binigyan siya ng solo presscon ng Kapamilya network. After her break-up with Dingdong Dantes, ito ang kauna-unahang pagkakataon na humarap si Karylle sa press kaya naman hindi maiwasang maitanong ang tungkol sa hiwalayang naganap. Pero say ni Karylle, ayaw na niyang balikan pa ang lahat ng nangyari simply because gusto na niyang mag-move-on. Okay na raw siya ngayon at kung noong una ay hindi niya maikuwento maging sa relatives niya ang nangyari, ngayon, nakakapagkuwento na siya, senyales na unti-unti na siyang nakaka-recover. But somehow, she admitted na may natitira pa ring pain but eventually, alam niyang mawawala rin 'yon. "I think it's very, very soon na mawala na 'yung pain. Kung may natira man, I think, it will be there for a good reason, tapos, magagamit ko rin siya for something. Tingin ko, wala na, kasi I'm almost totally done," sabi pa ng young singer-actress. May nagbiro na malamig daw ngayon ang kanyang Pasko at say niya, marami namang blessings na dumarating sa kanya, may mga bago siyang offers, bagong trabaho at bagong bahay (network), kaya kahit malamig ang Pasko, okay na rin. Naitanong namin kay Karylle kung nabalitaan ba niya ang pagpasan ni Dingdong kay Marian Rivera at sagot niya, "Hindi, eh. Hindi naman ako kasali ru'n. Next question," saka tumawa. Sa paglipat niya, panibagong Karylle raw ang masasaksihan ng mga tao at magsisimula na ito this Sunday as ASAP '08 gives her a warm and grand welcome. May numbers daw na gagawin si Karylle kung saan ay makikita ang malaking pagbabago sa kanya at may number din sila ng inang si Zsa Zsa, na incidentally, bibigyan din ng welcome since matagal itong nawala sa bansa. May bago ring endorsement si Karylle, ang Bench Body, kung saan ay magkakaroon siya ng sexy billboard, kaya abangan ang unveiling nito sa Trinoma sa Saturday, Dec. 13. Sa kanyang singing career, EMI Records will take care of Karylle. In fact, nakatakda nang i-release ang kanyang album sa nasabing record label. * * * Sa grand presscon ng Baler last Tuesday ay nilinaw ni Anne Curtis ang isyung nag-inarte raw ang leading man niyang si Jericho Rosales sa love scene nila. "Hindi naman po siya nag-inarte. And 'yung movie, kasi, for general patronage, so, in the beginning, wala naman talagang love scene. I think one of his concerns lang naman siguro was huwag lang 'yung sobra. Kasi when you say love scene, you don't know what to expect, eh. "But the good thing about direk Mark (Meily), and the Viva, and the script, mapagkakatiwalaan mo naman sila na hindi nila gagawin 'yun," say ni Anne. So, kumusta 'yung love scene? "Nakita n'yo naman, eh (sa trailer), and how it was done, it's beautiful. Parang mala-Titanic na hindi siya baboy tingnan and it's something na you can bring your children on. " Sa presscon ay kasama ni Anne ang kanyang younger sister na si Jasmine na kararating lang daw noong Lunes ng gabi kasama ang mommy nila para dito mag-Pasko. Pinagkaguluhan din ng Tv crew si Jasmine at ininterbyu rin kaya biniro si Anne na baka mag-artista rin ang kapatid na in fairness ay puwede naman talaga. "Ako, supportive ako. Basta ako, I love my business (showbiz) but I also know how hard it is. Pero choice na niya 'yun. " Dumating ba ang mommy at sister niya dahil broken-hearted siya this Christmas? "Hindi naman, actually, ang original plan is ako 'yung uuwi (sa Australia ) pero kailangan kasi nandito ako dahil sa film festival. Parang napakakawawa ko naman kung mag-iisa ako, so sila na lang ang pumunta. " Nalungkot din daw ang family niya sa break-up nila ni Sam pero love pa rin naman daw ng mga ito ang ex-boyfriend. It has been 3 months na rind aw after the break-up at kahit paano ay naka-move-on na siya. Ngayon ay friends na raw sila ni Sam at open na ang communication line nila matapos nilang mag-usap ng heart-to-heart last week. Source: People's Tonight |