Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Karylle at Marian inisnab ang MMFF awards night

Author: Nitz Miralles

Nabulilyaso ang hinintay ng mga dumalo sa awards night ng Metro Manila Film Festival na makita sa iisang okasyon sina Marian Rivera at Karylle dahil wala si Marian.

Wala si Karylle dahil nag-back-out siya sa Katy. Pareho nilang inisnab ni Marian ang MMFF awards night.

Hindi dumating si Marian na entries ang mga pelikula niyang Desperadas 2 at Shake, Rattle & Roll X, pero present ito sa mall tour ng cast ng SR&R X sa Glorietta earlier dahil may ibang naunang natanguang commitment.

Hindi pa right time sa dalawa na mag-krus ang landas.

Samantala, Christmas day at noong December 26 lang nakapagpahinga si Marian dahil noong Sabado, may mall tour siya at kahapon, nag-shoot siya ng music video ng Sabay-Sabay sa Universal Tower at sa direction ni Treb Monteras.

Maaga pa lang, nasa location na ang aktres, excited mag-shoot ng music video dahil siya rin ang kumanta nito.

Si Ernie Pecho ang publicist ng Universal Records, pero wala ito sa music video shoot. Pagkatapos ng nangyari sa presscon ng Desperadas 2, kung saan tinawag ni Ernie na "plastikada" si Marian, hindi pa uli nagkikita ang dalawa.

Ano kaya ang maging eksena 'pag nagkrus ang landas nila sa Universal Records? Paano kung ipa-presscon ng recording company ang release ng music video ni Marian?

Today naman, may pictorial si Marian para sa Imagine magazine na distributed din sa ibang bansa.

Bukas hanggang Ja-nuary 1, 2009, wala pang schedule si Marian at kung walang sisingit, sa January 6 na siya babalik sa work dahil sa petsang ito ang scheduled first taping day nila ni Dingdong Dantes ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang.

* * *

Welcome na welcome kay Dennis Trillo ang pagpasok ni Bernard Palanca sa cast ng Gagambino at madalas silang magkakasama sa eksena't makaka-love triangle niya ang actor kay Lucy (Katrina Halili).

First time niyang makatrabaho ang former Hunks member at agad niyang napansing magaling itong umarte.

Sayang at hindi reporter si Dennis, hindi tinanong si Bernard kung tuluy-tuloy na ang paglipat sa GMA-7 o babalik din sa ABS-CBN.

This week na lalabas ang character ni Bernard sa Gagambino, kung saan gagampanan niya ang role ni Doc Martin, ang doctor na nakasagasa kay Lucy.

Si Dennis na ang nagsasabing markado ang role ni Bernard sa action-fantasy. Makikigulo si Bernard sa magulong relasyon nina Bino (Dennis), Lucy, Celine (Nadine Samonte) at Harold (Polo Ravales).

Samantala, sa episode mamayang gabi, hawak na sa leeg ni Abresia (Jean Garcia) si Leah (Glaiza de Castro). Aalis si Lucy, pero pipigilan ni Bino (Dennis). Mapapasabak sa bakbakan ang dalaga na wala ng kapangyarihan. Masasaksak si Lucy at masasagasaan.

* * *

Magagaling at malalaking artista ang kinuha ng ABS-CBN na makasama nina Kim Chiu, Gerald Anderson, Jake Cuenca at Alessandra de Rossi sa Tayong Dalawa. Narito sina Cherry Pie Picache, Helen Gamboa, Mylene Dizon, Agot Isidro, Spanky Manikan, at Gina Pareño.

Comeback project ito ni Helen, kaya excited at mas maganda sana kung isasama rin sa cast ang anak nitong si Gian Sotto para balanse ang mga Sotto. Kung sino Tito Sotto at anak na si Ciara ay sa Eat...Bulaga ng GMA-7 napapanood, si Helen ay sa ABS-CBN.

Si Gary Valenciano ang kumanta ng theme song na title rin ng soap at original ni Rey Valera. Si Lani Misalucha naman ang kakanta ng love theme na Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

* * *

Sa Luna Mystika, aaminin ni Luna (Heart Evangelista) na mahal niya si Dexter (Mark Anthony Fernandez). Ipagtatanggol naman siya ng binata sa mga nang-aapi rito.

Nagbantang magpakamatay ni Celestina (Heart) kundi papayag si Luna na layuan at kalimutan si Dexter. Hindi papayag si Celestina na mawala sa kanya ang binata, kahit alam na niyang ang kakambal niyang si Luna ang mahal nito.

* * *

Maganda ang episode ng I-Witness this Monday entitled 'Di Nagpatalo dahil ang sariling karanasan ang ire-report ni Howie Severino kung paano maging underdog.

Nagkaroon siya ng temporary facial paralysis, rason para maging abnormal ang korte ng kanyang mukha. Apektado rin ang kanyang pagsasalita at nahuhulog ang kinakain mula sa bibig. Nagsuot din siya ng eye patch na tumagal ng ilang linggo.

Dahil sa nangyari sa kanya, mas lalong tumaas ang pagtingin ni Howie sa mga taong matatapang na hinaharap ang kanilang kapansanan para matupad ang pangarap sa buhay.

Babalikan din ni Howie ang mga karakter na ipinakilala niya sa I-Witness gaya ng asong si Habagat na malaki ang tulong pinansyal sa pamilya ng kanyang amo.

Dinalaw din nito si Perry Berry, ang unanong iniwan ang pagiging pastor at ang trabaho ngayon ay "human washing machine) sa isang comedy show.

May update rin si Howie sa kambal na bulag na kahit mga bulag, nagsisikap mag-aral. Grade one na ang mga bata na kinakikitaan ng galing sa pag-aaral.

Source: People's Tonight