|
|
| Karylle ayaw magpagamit kina Dingdong, MarianAuthor: Vir Gonzales MARAMI ang nanghihinayang sa pagpayag ng GMA 7 na lumipat si Karylle sa ABS-CBN. Malaki ang potential ni Karylle para sumikat, pero hindi ata âyon nakita ng GMA network,. Decision daw ni Karylle ang kanyang paglipat at walang kinalaman dito si Zsa Zsa Padilla. May maganda namang plano ang Dos kay Karylle at buong-puso siyang winelcome ng mga TV executives ng network. Marahil, napapagod na rin si Karylle sa paggamit sa kanya sa pakulong relasyong Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa movie na ipapalabas ng GMA Films. Sinong girlfriend nga ba ang makakatagal sa ganuâng sitwasyon? * * * MALIMIT nagkakamali sina Rochelle Pangilinan at Sunshine Garcia sa taping ng Tinderella kung sino ba si Felix o si Dominic Roco. Pag eksena na kasi ng love scene, nalilito ang dalawa kung kanino sila lalapit para makipag-holding hands Sabi ng producer kay Joy Cancio, parehong magaling umarte ang kambal kayat dapat lang na pareho silang maging leading man nina Rochelle at Sunshine. Totoo nga kayang crush nina Felix at Dominic sina Rochelle at Sunshine? * * * MARAMING nanghihinayang kay Sherwin Ordonez. Bakit daw ito nagbuyangyang ng kanyang katawan sa isang indie film? Si Sherwin ay dating star ng Click. Nakakagulat talaga ang decision ni Sherwin. Nakipag-love scene pa siya sa bading sa movie. May nag-comment pa na kaya raw ginawa âyon ni Sherwin ay dahil wala naman siyang trabaho sa Siyete. Kailangan daw kumita ng binata kaya kahit ganuân ang role ay tinanggap na niya. * * * MAY paanyaya si Tin-Tin Bersola at ang kanyang nanay sa lahat ng mga gustong makakita ng mga pandekorasyon sa Pasko na Philippine made. Mayroon silang Grand Christmas Celebrity Bazaar sa Nov. 21 and 23 sa World Trade Center. Sabi nga ni Tin-Tin, very creative ang pagkakagawa ng mga Pilipino sa mga ibebenta nilang Christmas decors. May mga booth din daw sa celebrity bazaar sina Korina Sanchez, Cheryl Cosim, Nene Tamayo, Donita Rose, Toni Gonzaga, Boy Abunda at KC Concepcion. * * * NAGPAPASALAMAT si Mike Magat at ang kanyang pamilya kay Sen. Bong Revilla sa tulong na ipinagkaloob nito nung yumao ang kanyang kapatid na si Arnold. Nagpapasalamat din si Mike sa mga nakiramay sa kanya from showbiz. * * * BIRTHDAY greetings to ABS-CBN Corporate Communication head Mr. Bong Osorio (Nov. 5), Mrs. Pinty Gonzaga, Ferdinand Rivera, Zasi Jimenez (Nov. 16) of Baliuag, Bulacn at kay Andy Odolio ng Rizal, Nueva Ecija. Source: People's Tonight |