|
|
| Karylle, ayaw makisawsaw sa romansa nina Dingdong at Marian!![]() Author: Rey Pumaloy HANGGANG ngayon ay hindi pa rin tinatantanan si Karylle ng mga tanong tungkol kina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Kamakailan nga ay inusisa na naman si Karylle tungkol sa pag-amin daw nina Marian at Dingdong kay Direk Joyce Bernal na nagmamahalan na sila. Sabi ni Karylle, mahirap maniwala sa tsismis, kaya ayaw muna niyang mag-comment. May usapan daw sila ni Dingdong na kapag may karelasyon na sila ay sasabihin nila sa isa't isa. Sabi pa ni Karylle, mas maganda kung si Dingdong mismo ang magsasabi sa kanya na karelasyon na nito si Marian. Anyway, pasubali pa ni Karylle, hanggang maari ay ayaw niyang makisawsaw sa kung ano mang romansa meron sina Marian at Dingdong. Pero, inamin ni Karylle na hanggang ngayon ay may communication pa rin sila ni Dingdong. Pero, ang tungkol lang daw sa mga negosyo nila ang pinag-uusapan nila. Prangkahang sinabi ni Karylle na naka-move on na siya sa nangyari sa kanila ni Dingdong. At wala na raw siyang nararamdamang lungkot sa tuwing nakikita niya sa TV na magkasama sina Marian at Dingdong. “Okey na ang lahat. Nakakatulog na ako ng mahimbing,” nakangiting sabi pa ni Karylle. Sinabi rin ni Karylle na handa na siyang makaharap sina Dingdong at Marian, kapag ginusto ng pagkakataon. Sa Feb. 14 raw ay walang ka-date si Karylle, kaya gugugulin na lang niya ang oras niya sa kanyang show na gaganapin sa isang hotel. Siyanga pala, si Karylle ang bagong contributor ng S Magazine, na kung saan ay ilalabas niya ang lahat ng mga poems na nagawa at gagawin niya. Source: Abante |