|
|
| Karylle ayaw nang manood sa Kapuso channel para tuluyang makalimutan si Dingdong DantesAuthor: Noel Asiñas NANG inabangan ng fans nina Dingdong Dantes at Marian Rive-ra ang first airing day ng Ang Babaeng Hinu-got Sa Aking Tad-yang, ang ex-GF naman ni Dingdong na si Karylle ay nagdya-jogging. Kesa nga naman panoorin niya ang tamba-lan ulit ng kanyang ex-dyowa at ni Marian, nag-exercise na lang siya. Kuwento ito sa amin ni Karylle nang amin si-yang makahuntahan. At para raw tuluyan nang mawala sa kanyang isip si Dingdong, ni hindi na rin niya binubuksan ang istasyon ng GMA-7 pa-ra hindi na niya maalaala ang nakaraan nila ni Dingdong noong Kapuso pa siya. Ginagawa talaga ni-yang busy ang sarili pa-ra malibang. Tumatanggap si Karylle ng sunud-sunod na projects sa ABS-CBN. Kahit guest co-hosting lang, tinatanggap niya. Ani Karylle: "It helps a lot. Nakaka-move on na ako. Pero, hindi muna ako iibig ulit. Mahirap umibig pagkatapos ng isang mahabang relasyon na nauwi lang sa wala. " Pero, may communication pa rin daw sila ni Dingdong paminsan-minsan. "Ang pinag-uusapan lang namin ay ang pagiging business partner namin sa OnStage bar. May mga kasama kaming business partner pa rin sa bar na si-lang namamahala ng negosyo. "Hanggang phone lang kami nag-uusap. 'Di kami nagkikita sa business meeting na-min," ayon pa kay Karylle. Nagagamit nang husto ng ABS-CBN ang talents ni Karylle as si-nger, dancer, host at actress. May dalawa kaagad siyang programa na pawang big role ang kanyang gagampanan. Kasama siya sa TV version ng Maruja na kukunan sa Palawan this February kung saan partner niya si Derek Ramsay. Ang isa pang sisimulan niyang soap ay ang Ikaw Lamang. Katrianggulo siya rito nina Jericho Rosales at Cristine Hermosa. Sa Feb. 14 ay may solo concert siya sa Lobby ng EDSA Shangri-La Plaza . Project ito ng Magic 89 FM at EDSA Shangri-La. Guest performers dito ni Karylle si Jeff Singson na lumabas na Bernardo sa Westside Story at ang sariling band niyang Rea-sons, an all-male band. May album ding lalabas si Karylle ngayong February, ang third album niya na may titulong A Time of Letting Go, produced and released by Polyeast Emi. Kasama sa album ang personal compositions niyang Wala na Ba ang Lahat, Hulog ng Langit at Minamahal Kita. Ngayong February ay co-ver si Karylle ng bagong S Magazine na ang editor-in-chief ay si Wilson Lee Flores. * * * SAMANTALA, si Ricky Lee ay nagtayo ng Wri-ters Foundation na tutulong sa mga estudyan-teng gustong gawing career ang pagsusulat sa movies at TV. Si Mother Lily Monteverde ay nag-donate ng isang condo-office-unit sa Francisco Gold Condo sa may Q-Mart EDSA, Quezon City para rito. Mismong si Ricky ang nangangalap ng donations. Lumalapit siya sa mga taong natulu-ngan niya sa industriya na ngayon ay successful na sa kani-kanilang career. May tatlong novels nang nasulat si Ricky sa loob ng tatlong taon pa-mamahinga sa pagsulat ng script sa movies at TV. Ang tatlong aklat niya ay ang Para Kay B, Aswang at Trip to Quiapo 2. Nasa market na ang Para Kay B at sa July naman lalabas ang Aswang. * * * NAPANOOD namin sa swimming pool ng Wack-Wack Golf and Country Club ang 32 candidates para sa taunang beauty pageant, ang Miss Mandaluyong 2009. Ang pageant na ito ay taunang project ng Mandaluyong at nga-yon ay sa pamumuno ni Mayor Benhur Aba-los. Isa ito sa activities ng Araw ng Manda-luyong na ginaganap tuwing Feb. 9. Ang mana-nalong kandidata ay sa-sakay sa pangunahing karosa sa parada ng Liberation of Mandaluyong sa Feb. 9. Present ang first lady ng Mandaluyong City nang hapong iyon na si Menchie Abalos. Pang-beauty contest din ang dating ni Mrs. Abalos at pursigido siya sa ta-unang project na ito ng kanyang butihing hus-band, si Mayor Benhur. Nakita rin namin si dating Commissioner ng Comelec na si Benja-min Abalos sa okasyon na talagang nag-enjoy sa panonood ng rumarampang beauty queens ng bawat barangay ng Mandaluyong. Ang pageant night ng Miss Mandaluyong ay bukas na (Saturday, Feb. 7, 8p. m. ) sa Manda-luyong gymnasium. Ang candidates ay bi-nubuo ng mga kababai-hang edad na 17-25. * * * NAGULO ang isip ni Kyla nang napabalita sa Maynila na buntis siya sa kasagsagan ng kanyang concert sa Toronto, Canada para sa Pinoy TV ng GMA-7. Ka-sama niya sa said concert sina Janno Gibbs at Allan K. Naikuwento ng source namin, na kasama sa entourage, ang naging feeling ni Kyla sa isyu. Nagtawagan kasi ang malalapit sa kanya. Unang-una ang kanyang boyfriend na si Rich Alvarez, ang basketbolistang kasama sa koponan ng Purefood Giants ng PBA. Bakit daw nagkaroon ng ganoong balita? Muntik na raw 'di na-kapag-perform sa concert si Kyla dahil sa sa-ma ng loob na hatid ng buntis isyu. Source: Taliba |