Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Karylle ayaw pa ring tumanggap ng new suitor

Karylle ayaw pa ring tumanggap ng new suitor

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

EXCITED si Karylle sa karakter na ginagampa-nan niya sa Maruja bilang Cristy na magiging pampagulo sa buhay at pag-ibig ni Maruja.

Sa presscon ng Ma-ruja, nagkaroon kami ng chikahan with Karylle at doon ay sinabi niyang tuluyan na siyang naka-pag-move on after her break-up with Dingdong Dantes.

Si Karylle ang laging napagbibintangan na gu-magamit kay Dong dahil binabanggit daw nito palagi ang ex-boyfriend sa interviews sa kanya.

In fairness, hindi naman siguro babanggitin ni Karylle si Dingdong kung walang nagtata-nong sa kanya tungkol dito.

They have only good words to say about each other.

Sinabi rin naman ni Karylle na masaya siya para kay Dingdong.

Sa ngayon ay hindi pa raw nakikipag-date ang dalaga.

Wala pa raw siyang panahon para mag-entertain ng new suitor, pero she gets to meet new male friends.

"My friends kasi, they are the ones who are over protective of me. I understand naman kung ba-kit ganoon sila sa akin," aniya.

Oo naman.

Malamang nakita rin ng mga kaibigan ni Karylle ang lahat ng sakit na pinagdaanan ng dalaga.

Siyempre, kahit sinong nagmamalasakit, ayaw nang masaktan ulit ang kanilang friend dahil sa pag-ibig.

Tinanong din si Karylle tungkol sa kontro-bersyal na annulment ng mga magulang niya.

How true na sa sob-rang pagkadismaya ay naiyak na lang daw si Zsa Zsa Padilla?

Paano naman niya ki-nu-comfort ang ina sa mga ganitong pagkakataon?

Sinabi ni Karylle, ayaw na niyang magsalita dahil nasa korte na ang tungkol sa bagay na ito.

Sinusuportahan niya ang kanyang Mommy Zsa Zsa, dahil maging si Karylle ay dumaan din sa family healing na tinatawag kung kaya't nauunawaan daw niya ang ganitong bagay in their family.

Madalas mang intri-gahin si Karylle, pero nakikita namin ang kasimplehan sa kanya.

Gusto namin ang pagiging polite at edukada niya.

Abangan si Karylle sa Maruja, ang una niyang pagharap sa kamera bilang aktres.

* * *

PARANG eksena sa peli-kula ang stunts na ginawa ni Richard Gutierrez sa press launch ng isang produktong iniendorso niya.

Sandali lamang ang event, pero makulay ang presentation na pina-ngunahan ng ilang mo-delo na sinabayan ng pagrampa ni Chard.

Full-support ang pa-milya-Gutierrez.

Naroon sina Eddie Gutierrez at ang kontrobersyal na si Annabelle Rama, Ruffa Gutierrez kasama ang mga anak na sina Lorin at Venice.

Present din ang Royal Era talents ni Tita Annabelle na sina TJ Trinidad, Ana Roces, Miriam Quiambao at ang rumored girlfriend ni Raymond (twin bro ni Chard) na si Carla Humphries.

Sinubukan ng entertainment press na ma-interbyu si Richard, pero agad itong pinagkaguluhan ng fans na naroon sa venue for autograph signing and picture taking.

Sa gitna ng kontro-bersiyang tulad ng demandahan nila ngayon ng PEP at mga intrigang kinakaharap ni Richard and mother Annabelle, nananatiling "man of the hour" ang bidang ito ng Zorro ng GMA-7.

Muli, nagpasalamat si Chard sa pamilya niya, lalo na sa kanyang pa-rents na hindi siya iiwa-nan sa kahit na anong laban sa buhay.

Si Tita Annabelle naman bilang manager, la-ging para sa kapakanan ni Richard at sa talents ang kanyang inaalaala.

Komento pa ng ilang ma-nonood, malayo na talaga ang narating ni Chard.

Pansinin n'yo sa Zorro, guwapo at sexy ang dating ni Chard on screen, lalo na kapag na-kikipagduwelo.

Sa totoo lang, laging mukhang mabango si Richard.

'Yung iba, kahit gaano man kaguwapo, hindi mabango tingnan.

'Di ba?

Source: Taliba