Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Karylle, ayaw tantanan ni Jericho

Author: Vinia Vivar

Nabasa namin sa Showbiz Juice (isang showbiz website sa internet) na pinormahan daw ni Jericho Rosales si Karylle.

Ayon sa report, kaagad daw kinuha ng aktor ang number ng ex-girlfriend ni Dingdong Dantes nang lumipat ito sa Kapamilya.

Buhat daw nu'n ay hindi na tinigilan ni Echo si Kaye.

Well, kapag nakita namin si Echo ay itatanong namin kung totoo ang balita. Kung sakali, wala naman kaming nakikitang masama. In fact, parang bagay naman sila.

Matagal-tagal na rin namang single si Echo matapos nilang mag-break ni Heart Evangelista and it's about time na rin siguro para muli niyang buksan ang puso.

Ang hindi lang namin alam ay kung ready na si Karylle para magmahal ulit dahil as we all know, kagagaling lang niya sa break-up with Dingdong.

Balitang isa pang nanliligaw kay Karylle ay si Christian Bautista. So, may the best man win na lang sa kanila ni Echo kung ganu'n.

* * *

Kaaliw ang blooper ng isang sikat na singer/aktres. Nagbigay siya ng tseke sa isang press organization para sa Chritmas party ng mga miyembro.

Ang kaso, mali ang pangalan ng press club na nakalagay sa tseke. Philippine Media Press ang nakasulat gayung wala namang ganu'ng organisasyon ang press, di ba naman?

To think na ang tagal-tagal na ng press club sa industriya kaya nakapagtatakang nagkamali ang sikat na singer/actress.

In fairness to her, ang iniisip na lang namin ay baka hindi siya ang nagsulat at marahil ay staff niya't nang pumirma ay baka hindi niya nabasa na mali ang nakalagay.

Ang ending tuloy, usap-usapan sa showbiz ang blooper niyang ito dahil hindi bagay sa image niya ang nagkakamali.

* * *

Maraming sikreto na ang nabubunyag sa Your Song Presents My Only Hope na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Gerald Anderson kaya mas exciting ang mga eksena ngayon.

Sa pagpapatuloy, dahil sa away na naganap na-karaan, nalagay sa kritikal na kundisyon si August (David Chua) at Rick (Xian Lim).

Si August ay na-comatose. Muling babalik si Fifi (Alex Gonzaga) nang malaman ang kalagayan ni Rick at para na rin sabihin ang kanyang tunay na nararamdaman para kay Rick. Ngunit bago pa man din niya masabi ay tuluyan nang pumanaw ang kanyang mahal.

Dito magsisimula ang panibagong pagsubok sa buhay ng mga karakter sa Your Song Presents My Only Hope kaya abangan this Sunday pagkatapos ng ASAP 08.

* * *

Meanwhile, sa ASAP 08 ay celebration of the season ang magaganap ngayon dahil bibigyan nila ng pansin ang ang ilan sa mga Global Pinoys pati ang kanilang mga achievements na nakamit ngayong taon na ito.

Dapat ding abangan ang birthday celebration ng isa sa cover boy na si Jake Cuenca dahil isang hot production number ang naghihintay para sa mga manonood.

Ipapakita rin ng ASAP stars sa pamamagitan ng isang nakaka-indak na number ang ilan sa mga naging sikat na dance songs ng 2008 tulad ng Low at Umbrella.

Source: People's Tonight