Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Karylle clarifies rumors linking her to Jericho Rosales and Christian Bautista

"Yung pagkakasabi din naman ni Tita Cory [Vidanes] sa akin nung nag-meeting kami, 'We'll take good care of you,' naniwala naman ako at nakita ko na very sincere naman ang offer nila, at nakikita ko rin naman yun. Every day, may ginagawa ako here and there

Author: Melba Llanera


When Karylle decided to transfer to ABS-CBN from GMA-7 after her breakup with Dingdong Dantes, two names were immediately romantically linked to the singer-actress: Jericho Rosales and Christian Bautista.

Ayon sa mga bali-balita, si Karylle daw ang bagong apple of the eye ni Echo pagkatapos nilang magkahingian ng number nang magkita sa ASAP. Consistent din daw ang pagte-text nila sa isa't isa.

Nasulat din na nakita raw na magkasamang nanood sina Karylle at Christian ng premiere night ng The Curious Case of Benjamin Button sa Gateway Cinema. Magkatabi raw sila sa loob ng sinehan at sweet na sweet.

Christian Bautista. Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Karylle sa ASAP '09 noong Linggo, January 11, ay pinalinaw namin agad sa kanya ang pagkaka-link niya kina Echo at Christian.

"Si Christian, hindi siya nanliligaw," tanggi ni Karylle. "Magkaibigan kami, matagal ko na siyang friends at hanggang ngayon, ganun pa rin. Mabait siya, sobrang mabait. Dati ko pa siyang kakilala and okay naman kami. Nagha-hangout kami minsan."

Hindi naman itinanggi ni Karylle na nanood sila ni Christian ng premiere night ng Benjamin Button, na pinagbibidahan nina Brad Pitt at Cate Blanchett. Pero nilinaw niya na walang katotohanan na sweet na sweet sila gaya ng nabalita.

"Kasama namin yung mga friends niya. Magkatabi kami, oo, pero hindi naman kami sweet. Baka kasi may mga nag-assume lang," sabi niya.

Sa last guesting ni Karylle sa The Buzz ay may nagpadala ng flowers sa kanya na nagtago sa pangalang "Tony." People assumed na baka si Christian ito dahil Tony ang pangalan ng singer sa pinagsamahan nilang musical, ang West Side Story.

"For me kase, siya [Christian] na lang ang sumagot nun," ani Karylle. "Wala akong idea, but maybe yes or maybe no. Wala naman akong masasabi dun, kasi ako ang girl."

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Christian, sinabi nito na hindi siya nagsasara ng pinto sa possibility na ang friendship nila ni Karylle "may lead into something deeper and more special." Ano ang masasabi rito ni Karylle?

"Just like I've said, ako yung girl so wala akong masasabi diyan. But, oo, I'm not closing also any doors. At this moment, I'm healing my heart, so I'm just taking my time. Ayokong isipin yung ganung mga bagay kasi, di, ba, hindi naman dapat pagtuunan ang isang bagay na hindi pa naman nangyayari?" paliwanag niya.

Jericho Rosales. Binigyang-linaw rin nina Karylle at Jericho na napalaki lang ng ibang tao ang constant communication nila, gayong dati pa naman ay magkakilala na raw sila at nagte-text kahit papaano.

Minsang ipinareha sa ASAP '09 at may mga nakagusto naman sa kanila, Karylle is also open to working with Echo. Ang problema nga lang ay nagrereklamo at naaalarma ang mga fans ng Jericho-Kristine Hermosa dahil baka sa pagkaka-link daw ng aktor kay Karylle ay maantalaa at hindi pa matuloy ang mga project na hinahanda ng ABS-CBN at Star Cinema para sa dalawa.

"Nung pumasok ako sa ABS-CBN, ang sabi nila sa akin, sa mga projects ko raw, they will pair me with different people. Siguro kami ni Echo, may future projects kami. So, abangan na lang nila.

"Ako naman, I'm just here to work. So walang dapat ikabahala yung mga Tin-Echo fans, wala naman dapat talaga," paniniguro ni Karylle.

NOTHING TO ADD. Nang kumustahin at tanungin namin tungkol sa ex-boyfriend na si Dingdong Dantes, Karylle chose not to talk anymore dahil para sa kanya ay nasabi na naman daw niya ang mga dapat niyang sabihin.

"Wala na namang dapat pag-usapan, na-explain ko na yung side ko. Pag may nagtatanong, minsan sinasagot ko pa rin. Pero sa akin naman, nasabi ko na ang side ko nang sobra-sobra and that's enough."

TURNING KAPAMILYA. 2008 has been an emotional roller-coaster ride for Karylle. But regarding her career, naging maganda at mas malinaw ang pagtatapos ng 2008 at pagpasok ng 2009 sa kanya.

"Imbes na nagtatrabaho ako ng New Year's itself, I was with my family and iba pala talaga yung feeling ng ganun. So, tuloy-tuloy na nararamdaman ko na paganda nang paganda. The other day, nagtatrabaho na ako.

"Nung lumipat ako in ABS, hindi naman fear, pero alam mo yung unknown siya," sabi ni Karylle. "Pero I have a good feeling naman, kasi siyempre my mom [Zsa Zsa Padilla] is here, so I feel safe.

"Yung pagkakasabi din naman ni Tita Cory [Vidanes] sa akin nung nag-meeting kami, 'We'll take good care of you,' naniwala naman ako at nakita ko na very sincere naman ang offer nila, at nakikita ko rin naman yun. Every day, may ginagawa ako here and there. Magge-guest ako sa isang soap soon, tapos mag-i-start din ako sa isang teleserye.

"Naghu-host ako, siguro fourth week ko in the last week of January, kasi si Tita Amy on leave sa Kabuhayang Swak na Swak, along with Cong. Gilbert Remulla. Sa E-Live, tuwang-tuwa ako dun kasi never pa akong nakagawa ng ganun. So, sobra akong nag-e-enjoy kahit parang hot seat yung mga OMG, pero nakakatawa.

"Excited ako with my album, it will come out on February. For Valentine's, parang may mga offers na shows... So, ang dami talagang magagandang nangyayari and sobra akong thankful," pagtatapos ni Karylle.

Source: Philippine Entertainment Portal