Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Karylle dating a radio jock?

Karylle dating a radio jock?

Author: MJ Felipe

Totoo ba ang nakita ng ABS-CBN.com? Last Sunday sa Greenbelt 3, nakita ng aming dalawang mata ang Kapamilya singer-actress na si Karylle na may ka-date. Siyempre ang iisipin namin si Jericho Rosales ba ito o si Christian Bautista... Pero no! Isang Radio DJ ang kasama niya. Kilala ang radio DJ na ito sa kanyang pang-gabing timeslot at madalas na rin siyang mapanood sa ilang mga shows gaya sa Studio23.

Naka-white top at shorts lang si Karylle na talaga namang relax na relax, habang naka-grayish brown long sleeved-shirt naman yung DJ na kasama niya. Indian ang itsura nung DJ na kasama na Karylle at naririnig-rinig na rin nga namin ang pangalan ng naturang lalake na pinopormahan ang anak ng Divine Diva.

So, ibig sabihin pala nito, showbiz lang ang drama ng pagpoporma ni Jericho kay Karylle? At hindi rin totoo ang mga napapabalitang pagpapahiwatig ni Christian Bautista sa dalaga? At ibig sabihin din ba nito, tuluyan nang naka-move si Karylle mula sa break-up nila ni Dingdong Dantes?

Source: ABS-CBN Interactive