Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Karylle, flooded with suitors?

Karylle, flooded with suitors?

Author: Julie Bonifacio

Ginulat si Karylle ng may nagpadala ng bulaklak sa kanya habang iniinterbyu nina Boy Abunda at Ruffa Gutierrez sa The Buzz last Sunday. Hula ng marami si Christian Bautista 'yun na gumanap na Tony sa nakaraang musical play na ginawa nila. "Hindi ako naniniwala. Feeling ko kasi hindi niya sulat 'yun, e," lahad ni Karylle after ng interview niya sa 'The Buzz." Sabi naman ng iba posible na ipinasulat naman ang card sa iba. "Eh, bakit pa niya ipapasulat? Tatanungin ko siya. Hindi ko talaga alam kung sino siya."

Kahit pa na Tony ang role na ginampanan ni Christian sa West Side Story, ay ayaw naman mag-assume ni Karylle na galing nga sa co-star niya ang flowers. "Hindi kasi kung si Christian 'yun isa-sign niya ang pangalan niya, feeling ko lang... Itatanong ko muna. Nakakahiya namang mag-comment kung wala naman pala. I mean, 'di ba?" May chance kaya si Christian sa kanya kung saka-sakaling ipagpatuloy nito ang panliligaw sa kanya? "Ang sa akin kasi naman ngayon ang lahat ng tao walang chance. I mean, hindi naman ako magkaka-boyfriend right now, so, alam mo 'yun? Parang a time, you know have a time for myself and my work." Declaration of something ba ito na hindi muna siya magbo-boyfriend kahit marami siyag suitor? "Hahaha! Saka na lang 'di ba? Oo," ngiti ni Karylle. Hanggang kalian kaya ang kanyang 'declaration of independence?' "Mga one month. hindi, joke! Tagalan naman natin ng konti."

Nabuking din ng ABS-CBN.com na maraming nagpapadala ng flowers na anonymous sa kanilang bahay. Bongga, ang dami niyang suitors? "Hindi naman, May mga ganu'n talaga. Pero ang hirap humula pero exciting kasi gusto mo'ng hulaan tapos kunyari iisipin mo saan ba nanggaling? Sa internet ba o inorder or what? Blah-blah-blah." Ano ang feeling ng maraming suitors? "Hindi naman marami. Ah, siguro at this point very flattering. Siyempre kahit papano naman iisipin mo this and that about yourself. Kunyari nakakatanggap ka ng mga ganitong bagay nakakataba rin naman ng puso and nakaka-flatter."

Samantala, may tsismis din na magwa-walk-in din dapat si Jericho Rosales habang iniinterbyu si Karylle sa The Buzz. Pero hindi raw agad nalaman ni Jericho na guest si Karylle sa talk show kaya hindi nakarating ang aktor. Noong nakaraang Linggo rin, usap-usapan din ang duet nina Karylle at Echo sa ASAP '09. Wala naman daw ito sabi ni Karylle at trabaho lang na inassign sa kanila. Hindi ba si Kris Aquino ang nag-request na kantahin nila ang song na Getting To Know Each Other?" "Hindi ko alam kung sino ang pumili," sagot ng singer actress. Dinedicate daw ni Echo ang kanta kay Kris pero dahil lang naman daw kasi sa chika ng host sa The Buzz last week. "Hindi, joke lang 'yun. Hindi kasi sa The Buzz naman nagsimula 'yung isyu so I think na-mention ni Ms. Kris na, may minention siya about kay Sir Deo (Endrinal), eh. I think doon lang naman nag-ugat lahat 'yon. Parang we're just being game about it. Siyempre nakakahiya 'yung ganoong klaseng song number, so, hindi namin alam kung paano ba namin i-overcome 'yung awkwardness. Naisip namin 'yun, idedicate natin kay Ms. Kris." Ayaw naman maniwala rin ni Karylle sa balitang iyon ni Kris. "Hindi ko rin alam kung toto 'yun, eh. Hindi pa kami magkwentuhan about it. Hindi pa kami nagkakapagusap kahit sa ASAP last Sunday kasi nagre-rehearse kami nu'ng song." Pero kitang-kita naman daw sa kamera na parehong may ningning sa mga mata nila at nagngingitian sila ni Echo habang nagdu-duet. "Natatawa kami kasi sobrang awkward nga 'di ba? I mean, hindi mo naman talaga, alam mo 'yun? It's not na kami or may movie kami together or something. So, parang ano ito 'di ba? Parang ano na lang way of making it comfortable, 'yung Natatawa-tawa kami ng ganyan."


Karylle had to laugh when we asked kung 'getting to know each other' nga ba sila ni Jericho. "Lahat naman ng tao 'di ba? So, parang alam mo 'yun? I'm getting to know a lot of people here. Marami namang very, very friendly and isa na siya doon." Ni hindi nga raw sila nagtatawagan ni Echo at nagulat na lang sila na may lumalabas na ganoon. Pero nagte-text na sila sa isa't isa?
"Iba naman ang text sa call," ngiti ni Karylle. Curious na tinanong ng ABS-CBN.com si Karylle kung ano ang reaction ng ina niya na si ZsaZsa Padilla sa mga manliligaw niya ngayon. "Si Mama? Hindi ko pa siya natatanong pero meron kaming girl's bonding day this weekend. So, doon kami magkwe-kwentuhan. Sana may magpadala doon. Hindi, joke! Hahaha! Loko lang. Hindi nila alam kung saan kami magtatago. Magaling na masyado 'yun kung alam niya kung nasaan kami." In fairness, kitang-kita sa mga mata at ngiti ni Karylle na moving forward na talaga siya from her break-up kay Dingdong Dantes. "Yes, of course, 2009. Napakaraming magagandang opportunities ang binibigay sa akin ang ABS-CBN. And I'm very, very thankful na alam ninyo 'yun? Nu'ng pumasok ako rito sabi nila aalagan ka namin. At totoo naman talagang nararamdaman ko na every step of the way Talagang nand'yan sila for me," tapos ni Karylle.

Source: ABS-CBN Interactive