Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Karylle invited ex-boyfriend Dingdong Dantes to her birthday party

"Hindi, kasi hindi mo naman mapipilit ang isang tao, e. At saka kung dumating yun, it's a nice thing. For me kasi on my side, I did something for my self, na hindi ko naisip na magagawa ko at this point. So, nagawa ko yun na feeling ko totoo naman na I wa

Author: Glen P. Sibonga

Excited si Karylle sa first full-length soap niya sa ABS-CBN, ang Komiks Presents Maruja, na mapapanood tuwing Sabado ng gabi starting May 2. Una kasi siyang lumabas sa I Love Betty La Fea, pero special guest nga lang siya roon. Dito sa Maruja ay isa na siya sa mga bida, kasama sina Kristine Hermosa, Derek Ramsay, John Estrada, Ms. Gloria Romero, Bing Pimentel, at Enchong Dee.

"Oo, excited ako kasi ito yung first full length drama ko. Alam mo yun, kasama ako sa pictorial," masayang pahayag ni Karylle sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the break sa pictorial ng Maruja kahapon, March 30, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

Ano ang role niya sa Maruja?

"Ako rito si Helen Rivera. Half-sister ko si Kristine. Para kaming best friends, sobra kaming close. Medyo accident-prone siya, so ako yung parang savior niya. Parang pinoprotektahan ko siya kasi lagi siyang nag-i-sleepwalk at kung saan-saan siya napupunta. Kahit na ate ko siya, parang kailangan may extra alaga ako sa kanya."

MARUJA CO-ACTORS. Kumusta ang working relationship nila ni Kristine Hermosa?

"First time ko siyang makatrabaho pero okay naman. Very, very nice. Maganda kasi...hindi siya masyadong hectic [schedule] , so merong mga time na kuwentuhan lang, nagmemeryenda kami, kung anu-ano.

"Natutuwa ako kasi noong una, tingin ako nang tingin kay Kristine, sobra niya kasing ganda! Lalo na ngayon she lost weight, nag-haircut siya. Ako naman parang titig ako nang titig sa kanya, baka kung ano ang isipin niya. Ang sabi ko sa kanya, na-starstruck lang ako sa kanya kasi ang puti niya, ang ganda niya, so yun. Tapos eventually, na-overcome ko na yung pagka-fan ko, tapos kinakausap ko na siya. Noong una kasi nahihiya ako talaga!" natatawang kuwento ni Karylle.

So, can you say kaibigan mo na si Kristine ngayon?

"Oo, actually lahat kami. Yun nga, e, very light lang yung setup namin sa set. Alam mo yun, may time talaga to bond."

First time ding makatrabaho ni Karylle si Derek Ramsay at aminado rin si Karylle na katulad kay Kristine ay nahiya rin siya noong una sa aktor.

"Sobrang nahiya rin ako sa kanya noong una kasi first time ko rin siyang makatrabaho. Tapos yung first scene namin, hindi pa kami nag-uusap masyado. Although nag-workshop din naman kami together. Tapos nakapagkuwentuhan na kami. Napaka-interesting ng buhay niya kasi kung anu-anong sports ang ginagawa niya. Captain siya ng frisbee team niya. May injury siya dito [sa tuhod], tapos next week may bago na naman siyang injury, nag-rugby daw...

"Ang dami niyang ginagawa, tapos parang everyday yata siya nagte-taping. Hindi ko maintindihan kung paano siya nabubuhay. At may mga extra-curricular pa siya. Sobrang nakakainggit nga. Bukas nga magbi-beach naman daw siya. Tapos magwe-whale watching daw siya. Basta ngayon lang ako naka-meet ng taong ganyang active, parang in all areas talaga."

Ano ang aabangan ng mga tao dito sa Maruja?

"Actually, yung story as a whole, maganda na talaga. Tapos may element ito ng horror. Yung sa akin naman, siyempre, yung mga dramatic moments ko. Hindi ko naman maire-reveal pa kasi baka mapre-empt."

HAPPY WITH ABS-CBN. Masaya si Karylle na magagandang projects ang ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN.

"Ay, sobra, parang nagsabay-sabay nga lahat! Nag-ASAP ako, tapos Betty La Fea, nailabas ko pa yung album ko. Nag-MYX celebrity VJ pa ako for March. May endorsements pa and magazine covers. Then, ito ngang Maruja."

Masasabi ba niyang mas masaya siya ngayon sa ABS-CBN kaysa noong nasa GMA-7 pa siya?

"Ayokong mag-compare. Generally, I'm very happy now. Ang dami lang talagang magagandang nangyari. Yun nga last birthday ko, sumayaw ako sa ASAP. Kahit na hirap na hirap ako doon sa ginagawa ko, they're pushing me kasi alam nila kaya ko. Talagang aalagaan ka. Sobrang dami lang talaga ng opportunities na dumadating. Ayoko naman mag-compare. Ako naman very thankful ako sa nagawa sa akin ng GMA, and I love everyone there naman."

Ano pa ba ang gusto niyang ma-chieve?

"Syempre, concert, kasi singer naman talaga ako. Ngayon nga nagkakaroon ng opportunity sa abroad. Like for June, I'm going to London. First time kong mag-show sa Europe. Ako naman, nagulat ako na parang kalilipat ko pa lang may ganun na."

Source: Philippine Entertainment Portal