Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Karylle is not out to upstage Kristine Hermosa

Karylle is not out to upstage Kristine Hermosa

Author: Napoleon Quintos

Huling napanood sa TV sina Karylle at Kristine Hermosa bilang magkapatid na nag-away dahil sa isang lalaki sa Komiks presents Mars Ravelo's Nasaan Ka Maruja? Gaganap uli bilang magkapatid ang dalawang magandang aktres na mag-aagawan kay Jericho Rosales sa bagong primetime teleserye na Dahil May Isang Ikaw. Nakakwentuhan ng ABS-CBN.com si Karylle sa isang mini-press conference at inilarawan niya ang kanyang character na si Denise. " Sa story madalas akong pumunta sa isang bar kung saan kumakanta si Jericho. Aside from being a lawyer na top-notcher e may musical inclination din siya. Mas mauuna pa akong ma-in love kay Echo, si Kristine kasi later na lang niyang madi-discover na magkababata pala sila. Hindi naman talaga ako kontrabida dito. Because of the circumstances and sa matinding love ko kay Echo makikipag-connive ako kay Sid (Lucero) para paghiwalayin si Echo at Tin. May pagka- desperada ang dating ko dito."

Nabiro rin si Karylle sa kung ano ang nararamdaman niya na ngayon ay siya naman ang gaganap na mang-aagaw ng boyfriend. Last year kasabay ng paglipat ng singer-actress sa Kapamilya network ay pumutok ang balitang naghiwalay sila ng boyfriend of three years na si Dingdong Dantes dahil 'di umano kay Marian Rivera. Noon pa man ay pinabulaanan na ni Karylle na si Marian ang dahilan ng breakup, kaya tinawanan na lang niya ang biro sa kanya sa mini-press conference. " Wala akong alam diyan. Super old news na 'yan. Kalimutan na! Ha ha ha!"

Mapapansin din sa trailer ng Dahil May Isang Ikaw na bago ang hairdo ni Karylle. Sinabi niya na gusto na niyang paputulan ang kanyang buhok para mas mapadali ang kanyang pagte-taping. " Sa ngayon naka-wig pa lang ako sa taping pero soon magpapagupit na ako gaya ng dapat na look ko sa story. Ang hirap na kasing mag-wig everytime nasa set. Gusto kasi nila na iba 'yung look ko. Sina Jericho and Kristine kasi they play lawyers. Ako hindi ako lawyer."

Nilinaw naman ng anak ni ZsaZsa Padilla na hindi niya binago ang kanyang look sa Dahil May Isang Ikaw para kamong ma-upstage niya si Kristine. " Hindi naman, ha ha ha! Ganito naman talaga ako. I think every time na lalabas ako at haharap sa tao dapat lang na maayos ako. Hindi na ako makikipagtalbugan kay Tin. Sobra na niyang ganda. Lagi ko ngang sinasabi na noong una ko siyang makita na-star struck ako kasi ang puti niya, ang ganda, flawless, ang perfect n g hitsura niya."

Nakatatak sa isipan ng madla ang naging past relationship nina Jericho at Kristine. Pero noon ay napabalita rin na nagkakamabutihan sina Jericho at Karylle na hanggang ngayon ay parehong single. Ngunit ilang ulit nang sinabi ni Karylle na magkaibigan lang sila ni Echo at walang dahilan para magkaroon sila ng tension ni Kristine.

Source: ABS-CBN Interactive