|
|
| Karylle, may bagong inspirasyon?Author: Rey Pumaloy Nakatakda ring gumawa ng pelikula sa Star Cinema si Karylle. Kasama nga raw `yon sa mga pinirmahan niyang kontrata sa ABS-CBN 2. “I'm really hoping to do a musical. Pero sa tingin ko, medyo malabong mangyari `yon. “Pero, pinagdarasal ko na sana next year, makagawa tayo ng musical sa pelikula. “Kasi nag-click naman sa atin ang Mama Mia at High School Musical, `di ba? So, baka may mga producers na ma-encourage na mag-produce rin ng ganun. “I believe na hindi magtatagal at makakagawa rin tayo ng ganung klase ng movie,” sabi ni Karylle. Sa stage nga raw ay nakagawa na siya ng musical play. At isa sa pinakamasayang bahagi raw ng career niya `yon. “Ang saya-saya ko talaga when I did Westside Story. Imagine, nag-combine ang dalawang love na love ko, ang singing at acting. “Kapag tinatanong ako kung ano talaga ang gusto ko o love ko, palagi kong sinasabi na acting at singing. “Kaya dream ko talaga na makagawa ng musical sa pelikula,” sabi pa rin ni Karylle. Anyway, masayang ibinalita ni Karylle na sa July 2009 ay ibabalik sa stage ang Westside Story. Siyanga pala, sabi-sabi na kaya palaging masaya si Karylle ngayon ay dahil may bago na siyang inspirasyon. Ang leading man daw niya sa Westside Story ang tinutukoy na bago niyang inspirasyon. “Hindi naman. I think, right now... “Sa totoo lang, ang hirap kasing magsabi kung may nanliligaw ba sa akin ngayon, eh. Kasi nga, ang mga lalaki ngayon ay very-very sweet. “Like, sasabihin nila sa iyo na friends-friends, tapos biglang kayo na pala. So, ang hirap sabihin na nililigawan ako ni ganito o ni ganyan. “So, ang masasabi ko lang ngayon, may mga bago akong friends. Pero, wala namang inspirasyon,” pahayag ni Karylle. Siyanga pala, tuloy pa rin daw ang negosyo nila ni Dingdong Dantes. Masaya nga si Karylle dahil maganda ang takbo ng negosyo nila ni Dingdong. “Ang daming ginawang Christmas party sa Centerstage. Fully book talaga kami. Pero, marami naman kaming partners sa business na `yon, na sila talaga ang nagma-manage. “Kami ni Dingdong, we still support each other naman. Sabi ko nga, if ever na kailangan niya ang tulong ko, I'll help him. I know naman na ganun din siya sa akin,” sabi na lang ni Karylle. Source: Abante |