Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Karylle, may ipinaayos sa mukha?

Author: Nitz Miralles

Looking beautiful si Karylle sa presscon/contract signing niya bilang endorser ng Pink Water Body Spray ng Ever Bilena at inakala ng ibang press na may ipinagawa siya sa mukha. Pero happy lang daw siya, she takes care of herself at nag-i-enjoy sa kanyang trabaho.

This year lang siya natuloy maging endorser ng Pink Water Spray na binubuo ng mga scent na Feel Me, Smell Me, Kiss Me, at Love Me at happy maging part ng Ever Bilena family. Sa first week ng September, isu-shoot ang TVC ni Karylle at ipapalabas agad ito.

Kahit magwa-one year na silang break ni Dingdong Dantes, tinanong pa rin si Karylle kung binati ng happy birthday ang actor noong August 2? Ang sagot nito'y, hindi pa sila nagkikita, kaya hindi niya ito nabati. Kahit tuloy ang pagiging business partner nila, hindi na raw sila nagkikita at ayaw na niyang mag-comment.

Hindi hinayaan ni Karylle na magkaisyu pa sila ni Marian Rivera dahil nang tanungin kung favorite niya ang color pink na favorite rin ni Marian, ang sabi nito'y "unfair na i-drag ang name niya dahil hindi naman siya endorser. Pink is one of my favorite colors. "

Hindi nagbanggit ng pangalan si Karylle ng suitors niya at may nagtsika lang sa aming isa sa masugid niyang manliligaw ay DJ ng WTM at ang description ay bumbayin ito, rich, and very decent. Meron ding taga-showbis, pero hindi sina Christian Bautista at Jericho Rosales.

* * *

Inamin ni Rufa Mae Quinto sa Showbiz Central na may bago siyang pag-ibig, pero ayaw munang pangalanan para 'di maintriga. Matagal na niyang kilala ang guy at seryoso ang relasyon nila't mahal nila ang isa't isa.

Inamin din nitong malaki ang tulong ng boyfriend kung bakit nakabili siya ng bahay sa San Francisco worth P13 million. Parang panaginip lang daw sa kanya ang magkaroon ng bahay sa States dahil ang dream lang niya'y makapunta sa Amerika at matutong mag-English, pero ngayon, may bahay pa siya.

Kahit seryoso ang topic, nagagawa pa ring maging kikay ni Rufa Mae sa mga sagot, bagay talaga sa kanya ang role ng kalog na secretary ni Raymart Santiago sa Darna at ang mga eksena nila ang isa sa nakakatawa sa series.

Si Pia Guanio ang natukang mag-interview kay Paula Taylor na nag-promote ng Love On Line nila ni Vic Sotto na showing na sa August 19. Na-disappoint tiyak ang nag-aakalang pagseselosan ni Pia ang kapareha ni Vic Sotto dahil inimbita pa niya itong mag-guest uli sa Eat...Bulaga. Sa interbyuhang 'yun, inamin ni Paula na break na sila ni Marc Nelson.

Si Pia rin ang nagbuking na iniyakan ni Marian ang billboard niya ng Darna nang unang makita. Sabi ng aktres, nagulat lang siya dahil nilagay na pala ang malaki niyang billboard sa GMA Network building. In fairness, kahit may tampo, dumating si Nadine Samonte sa Showbiz Central para mag-promote ng Darna.

* * *

Tuesday sa Adik Sa 'Yo, nagalit si Karen (Jennica Garcia) kay Stella (Beth Oropesa) nang malamang kagagawan nito ang nangyari kina Ruben (Dennis Trillo) at Ising (Ces Quesada). Pupuntahan nito si Ruben sa Batangas, pero wala na ito sa bahay nila sa probinsya.

Ipakikilala ni Madam F (Eugene Domingo) si Ruben kay Joana (Jolina Magdangal) at malalaman ni Madam F na boyfriend ni Karen si Ruben. Mag-aaway naman sina James (Wendell Ramos) at Carlos (Marvin Agustin) dahil kay Joana at sa una papanig ang dalaga.

* * *

Magandang balita sa viewers ng All My Life ang balitang extended for one week ang series dahil extended nilang mapapanood sina Kris Bernal at Aljur Abrenica. Okey sana kung hanggang showing ng movie nilang I'll Be Waiting For You ay umeere pa rin ang series.

Anyway, mamaya sa All My Life, kinasabwat ni Jules (Aljur) sina Dino (Bryan Termulo) at Joseph (Cris Cayzer) para matawagn si Romina (Kris) na hindi na hindi malalaman ni Maricar.

Hindi nito alam na in-offer ni Maricar (LJ Reyes) ang buong suwekdi sa dalawang bandmates tulungan lang siyang makasama si Jules sa isang kuwarto.

Galit na galit si Jules nang mabuking na nilagyan ni Maricar ng sleeping pills ang kanyang inumin at ayaw nang sumama sa tour.

* * *

Sa Rosalinda, masasampal ni Soledad (Glydel Mercado) si Rosalinda (Carla Abellana) sa paghuhusga nito sa kriminal na pumatay sa ama ni Fernando Jose (Geoff Eigenmann) dahil ang kriminal ang dahilan kung bakit naging masama si Valeria (Sheryl Cruz).

Magwawala si Fernando Jose nang malamang itinatago ni Soledad si Rosalinda. Sa araw ng kasal nina Rosalinda at Fernando Jose, nagmamadali sina Soledad at Valeria para mapigilan ang kasal ng dalawa. Nakita ni Valerian si Soledad na naglalakad at sasagasaan niya ito.

Source: People's Tonight