Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Karylle, nagbuyangyang

Author: Vinia Vivar
Column: Hot 'n Spicy

Ayon kay Karylle,walang katotohanan ang tsismis na hindi boto ang father niyang si Dr. Modesto Tatlonghari kay Dingdong Dantes at isa umano sa dahilan ng kanilang hiwalayan.

"Nagulat nga po ako, hindi ko rin alam kung saan nanggaling 'yon. Hindi po totoo 'yon. In fact, sa lahat ng mga naging boyfriend ko, pinakagusto ng father ko si Dong," say ni Karylle.

Maging sa career niya, hinahayaan daw siyang magdesisyon ng ama at hindi ito nakikialam. Alam naman daw nitong nasa age na siya to decide on her own.

"He's very supportive," say ni Karylle about her father.

Kaya 'yung desisyon niyang magpa-sexy via her new endorsement na Bench Body, sa palagay niya ay hindi naman magagalit ang kanyang ama.

Ngayong Sabado nakatakdang ganapin ang unveiling ng billboard ni Karylle ng Bench Body sa Trinoma, kung saan ay makikita siya for the first time in a very revealing shot.

Underwear ang kanyang ine-endorse, kaya may idea na siguro kayo kung ano ang kanyang suot.

Hindi raw ninerbyos si Karylle sa pictorial although aniya, ngayon lang niya ito ginawa.

"I've never done anything like it before. I really didn't prepare that much. 'Yun nga lang, I ran the marathon, I did a 5,000, I think, and parang for some reasons, I really felt good about myself. "

Ang biro nga sa kanya, baka 'pag nakita ni Dingdong ang billboard, magsisisi ito at maglaway, na tinawanan lang ng young actress-singer.

Bukas ay mapapanood na sa ASAP '08 ang grand welcome kay Karylle.

* * *

Nagpulong na ang executive committee ng 34th Metro Manila Film Festival Philippines (MMFFP) sa pangunguna ni MMDA chief at MMFFP 2008 overall chairman Bayani Fernando at film producers tungkol sa Parade of Stars sa Dec. 24.

Ito'y isang tradisyon na ng pagdiriwang tuwing Kapaskuhan kung saan ang official entries ay nagpapatalbugan ng karosa.

This year, walo ang opisyal na kasali sa filmfest: Dayo (Cutting Edge Productions), Baler (Viva Films), Desperadas 2 (Regal Entertainment), Shake, Rattle & Roll X (Regal Entertainment), Magkaibigan (Maverick Films), One Night Only (Canary Films), Iskul Bukol: 20 Years After (OctoArts Films) at Tanging Ina N'yong Lahat (Star Cinema).

Magsisimula ang Parade of Stars sa Rizal Stadium sa Luneta, daraan sa Roxas Blvd. tuloy sa Baclaran at magtatapos sa SMX Convention Center sa Mall of Asia.

Ang awards night ay gaganapin sa Dec. 27 sa Harbor Garden Tent ng Sofitel Philippine Plaza, 6:30 p. m. , hosted by Boy Abunda.

Guest performers sina Karylle, Richard Poon, Sheryn Regis, Sitti at Yeng Constantino.

Magkakaroon ng Katy, The Musical Concert pagkatapos ng awards night sa ganap na 8:30 p. m. , tampok sina KC Concepcion at Jericho Rosales.

Kabilang din dito ang magagaling nating performers na sina Bituin Escalante, Aicelle Santos, Ciara Sotto, Dulce, Eugene Villaluz, Frenchie Dy, Gabriel Valenciano, Gian Magdangal, Isay Alvarez, Jonalyn Viray, Maricris Garcia, Mitch Valdez at Rachel Alejandro.

Ang nasabing concert ay parangal sa reyna ng boudeville sa Rizal Theater na si Katy dela Cruz.

Source: People's Tonight