Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Karylle nagko-concert sa Shangrila habang nasa gym si Dingdong

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

BALITA sa apat na sulok ng EDSA Shangri-La Hotel na habang nagku-concert si Karylle sa last February 14 ay nasa paligid-ligid lang si Dingdong Dantes.

May nakakitang staff ng hotel na naggi-gym si Dingdong nang araw na iyon sa hotel. Kaya nang itinanong namin kay Karylle kung nagkita sila ng ex-bf, aba, tanging ngiti at look to the sky lang ang ginawa.

Hindi namin masisi si Karylle kung ganoon ang reaction niya kasi wala na talaga sila ngayon.

Inamin niya nag-uusap sila paminsan-minsan ni Dingdong tungkol lang sa kanilang business, ang Onstage bar sa Morato, Q. C .

Nang tanungin siya tungkol kay Christian Bautista ay inamin niyang magkaibigan lang sila dahil nagkasama sila sa West Side Story musical play recently. Tapos, may gagawin pa silang concert ni Christian sa Metro Bar sa April 2009.

Ayon kay Karylle, alam na ng mommy niya ng tungkol kay Christian at hindi naman nakikialam si Zsa Zsa Padilla sa love life ng anak.

Samantala, super succes-sful ang concert ni Karylle sa Shangri-La Hotel dahil full capacity ang nanonood. Lahat ng mesa ay occupied ng nagdi-date na lovers o isang buong pamilya na kasama ng mag-asawa ang kanilang kids.

Nakakatindig balahibo ang rendition ni Karylle ng Somewhere, bale ito ang encore song niya na talagang pinalakpakan nang husto. More than 20 songs ang kanyang kinanta at love songs ang karamihan.

* * *

TULUY-TULOY ang success sa ratings game ng Family Feud ni Richard Gomez. Last week ay may pamilya na nakapag-uwi ng more than 700 thou. Madadagdagan pa ito dahil ang pamilyang ito ay patuloy pa ring maglalaro nga-yong Monday.

* * *

NAGTAPOS na ng You and Me Against the World ni Gretchen Barretto last Sunday sa TV5. Kung gaano raw kalaki ang papremyong ipinamimigay sa game show na ito every week, ganoon din daw kalaki ang sorpresang inihanda ni La Greta para sa contestants and viewers.

Pero sa huli, si Gretchen pa raw kamo ang naiyak dahil may sopresa sa kanya ang production staff ng game show. Bakit naman kaya naluha si La Greta? Hindi kaya dahil ubos na ang kanyang mga branded clothes and jewelry dahil sa kakapamigay niya o dahil sa limited engagement? O, hindi na magka-karoon ng second season ang enggrandeng game show?

* * *

SA Sonya's Garden, Ta- gaytay City napili ni Aljur Abrenica na gawin ang Valentine's date nila ni Kris Bernal. Bukod sa cool surroundings, maganda ang lugar para sa lovers na tulad nila.

Halos aminin na ng dalawa na sila na sa huling presscon ng Luna Mystika, kung saan magka-love team ang dalawa sa soap na bida rin sina Heart Evangelista at Mark Anthony Fernandez.

Iisa ang sagot nila: Special sila sa isa't isa.

Tapos, partner uli sila sa kanilang solo afternoon soap, ang Dapat Ka Bang Mahalin? na remake ng movie nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na ididirek ni Maryo J. delos Reyes.

* * *

HIWALAY na talaga sina Mart Escudero at Jenica Garcia. Sa presscon ng Ga-gambino na last week na this week sa GMA 7 primetime, nasabi ni Jenica na may problema sila ni Mart ngayon.

Kung ano ang problema nilang dalawa na mauuwi sa hiwalayan, ayaw nang magsalita pa si Jenica. Sa kanilang dalawa na lang daw ni Mart ang problema nilang dalawa. Busy ang dalawa ngayon sa Dear Friend bilang mag-love team.

Ngayong Sunday, patuloy na mapapanood ang Dear Friend pagkatapos ng SOP.

Source: Taliba