|
|
| Karylle not consideringany new relationshipAuthor: Rowena Agilada SI Dingdong Dantes pa rin ang paboritong itinanong kay Karylle ng mga nakausap na reporters sa isang presscon.
Tsika ng isang writer, maaliwalas na ang mukha ni Karylle. May tamis na ang mga ngiti at may ningning na ang mga mata.Malaki rin daw ang naitulong kay Karylle ng desisyong magpalit ng home studio. Nagpa-salamat ang dalaga sa maraming blessings na dumarating sa kanya, since lumipat siya sa Kapamilya network.Karylle was quoted saying na malapit na siyang maka-let go sa hiwalayan nila ni Dingdong. Nilinaw niya ang isyung dinedma ng ex-boyfriend ang invitation niya sa kanyang birthday party last March 22.Days before her birthday ay nag-text daw sa kanya si Dingdong. Kaya naman inimbita niya ito sa kanyang birthday. Nag-reply naman daw ang aktor pero hindi siya binati ng "Happy Birthday." Naintindihan daw niya kung bakit hindi ito nagpunta sa kanyang birthday celebration. Baka raw weird 'yun for Dingdong.Ayon kay Karylle, gusto lang naman daw niyang makipag-peace na sa ex-boyfriend. Iniisip daw siguro ng ibang tao na baka nag-aaway sila. Wala raw silang away. Naging masaya sila noon at wala siyang regrets sa pakikipagrelasyon kay Dingdong.Nali-link kay Karylle sina Jericho Rosales at Christian Bautista. For the nth time, she stressed na hindi nanliligaw ang mga ito sa kanya. Tsismis lang daw 'yon at friends lang niya ang mga ito. Kung sakali mang manligaw sina Jericho at Christian, sino ang sasagutin niya? "Kung may manliligaw, may mababasted (laughs)," she was quoted saying.Dinadaan nga ba ni Jericho sa regalo ang pagpaparamdam sa dalaga? Mahilig lang daw magregalo ang aktor. Isang head set ang birthday gift nito kay Karylle. Source: Tempo |