|
|
| Karylle on rumor linking her with Jericho Rosales: "Walang special something."![]() Author: Melba Llanera September this year nang magsimulang mapabalita na nagkakalabuan ang sina Karylle at Dingdong Dantes. Two months after, noong November, ay kinumpirma ng dalawa ang breakup nila pagkatapos ng tatlong taon. Sa kabila ng pagkakaugnay ni Dingdong sa kaparehang si Marian Rivera, hindi na-link si Karylle sa kahit na sinong ibang lalake. Pero nagulat na lang ang lahat nang lumabas ang balita na nagkapalitan daw ng cell phone numbers sina Karylle at Jericho Rosales nang magkita sila sa ASAP '08. Ang singer-actress din daw ang bagong apple of the eye ngayon ni Echo. Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Karylle sa Gabi ng Parangal ng 2008 Metro Manila Film Festival noong December 27, agad niyang nilinaw ang tungkol sa kanila ni Jericho. "Walang special something," diin niya. "Dati ko nang kilala si Jericho kasi same management [Genesis] kami before, under Tita Angeli [Pangilinan-Valenciano]. Matagal ko na siyang kakilala." Pero ani Karylle, "Hindi ko ide-deny na magka-text kami last Christmas, we greeted each other 'Merry Christmas'... Marami naman akong ka-text ng Merry Christmas." Sinabi rin ni Karylle na sa ngayon, mas naa-appreciate niya ang kanyang showbiz career. "Right now, I'm focusing on my work. Feeling ko, since the other week, ang iniiisip ko ngayon ay trabaho ko. Kasi never ko talagang minahal ng ganito ang trabaho ko. I think it's about time to do that for myself. Saka mahirap madaliin ang mga bagay-bagay, especially after breakup. So wala pa sa isip ko 'yan," saad niya. Pero open naman daw si Karylle na makipagtrabaho kay Jericho balang-araw. "Oo naman, I'm open to work with him. He's very talented. Magaling na magaling siyang umarte, and I'm sure he'll do very well in Baler." Dingdong Dantes. Hindi rin naiwasang mapag-usapan ang ex-boyfriend ni Karylle. Tinanong namin ang singer-actress kung binati ba siya ni Dingdong ng "Merry Christmas." "Hindi... Huwag na lang nating banggitin 'yan because 2009 na," iwas niya. Parte na rin ng Bench family si Karylle, kung saan siya ang bagong endorser ng Bench Body na siya ring ini-endorse ni Dingdong. According to Karylle, kapag magkakaroon uli ng Bench fashion show ay maaaring ready na siyang makatrabaho muli ang dating kasintahan. "Matagal-tagal pa naman yung time na yun," sabi niya. "I think every other year yata yung Bench fashion show. I think, by then, magkaibigan na kami. So I don't think there will be a problem." Sumalang si Karylle last Saturday, December 26, sa Entertainment Live bilang guest host. Marami ang nakapansin na nahaluan agad ito ng intriga dahil pagkatapos ng VTR interview ni Marian ay agad na ifinocus ang camera kay Karylle. "I think na normal lang yun na isipin nilang i-connect sa akin," sabi ni Karylle. "I'm just doing my job. Hindi ko naman ine-expect na may ganun, I guess it's all for fun. Sila kasi, yung tatlong hosts dun, napaka-kalog nila and very, very fun pala yung show. I'm also gonna be there on Saturday [January 3]." OPEN COMMUNICATION. Bagamat may mga lumabas na report noon na masama ang loob ni Karylle kaya siya lumipat from GMA-7 to ABS-CBN, sinabi ni Karylle na hindi pa niya pinutol ang communication niya sa mga dating kasamahan at kaibigan niya sa Kapuso network "Binati ko sila ng Merry Christmas, like sila Jay-R, Jolina [Magdangal], Kyla... May mga nakakasalubong ako, yung iba ka-chat ko. Pero yung iba, hindi ko pa nababati. Siguro sa Three Kings na lang, kasi medyo naging busy ako kaya hindi ako nakapagtawag at nakapag-shopping," pagtatapos ni Karylle. Source: Philippine Entertainment Portal |