Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Karylle, palaban sa hubaran!

Karylle, palaban sa hubaran!

Author: Rey Pumaloy
Column: Oh, Laban Ka?!

NOONG Martes nang gabi ay opisyal na ngang Kapamilya si Karylle.

Katunayan, nagpa-presscon pa ang ABS-CBN 2 para kay Karylle.

Dalawang programa ang gagawin niya sa Dos, ang TV version ng Maruja, na pagbibidahan ni Kristine Hermosa, at ASAP, na katapat ng show niya sa GMA 7 noon, ang SOP.

Pero, siguradong marami ang magugulat sa mga pagbabagong gagawin ni Karylle sa career niya. Katunayan, kasabay ng pag­lipat niya sa Dos ang pagiging palaban na rin niya sa pagpapaseksi.

Si Karylle nga ang magiging endorser ng Bench Body, isang underwear brand. At sa pictorial pa lang, ipinakita na ni Ka­rylle ang magandang hubog ng kanyang katawan.

Sabi nga, ang bilis ng mga pangyayari sa buhay ni Karylle, matapos nilang magkahiwalay ni Dingdong Dantes. At pati nga image niya ay binago na rin niya.

“Paano ba 'yung nangyari kung bakit nangyari ang lahat? Sometimes thing just happen all together and at this point naging adventurous lang ako.

“'Yung mga duma­ting na opportunity, I just grabbed them, at ito 'yung ibinigay. So, tinanggap ko lang,” sabi ni Karylle.

Teka, na-inspired ba siya sa pagpapa-sexy ni Dingdong? O baka paraan niya ito para maghiganti kay Dingdong?

“Matagal na ito na na-present sa akin ng Bench. Noon pa, nagsabi na sila na they want to get me for Bench Body. At first, hindi ko naisip na puwede ba akong mag-endorse ng underwear.

“Siyempre kapag kaharap mo na si Mr. Ben Chan, at feeling niya kaya mo rin `yon, siyempre maniniwala ka sa kanya. So, maganda naman 'yung kinalabasan ng pictorial and I'm happy about it,” say ni Karylle.

Anyway, marami pang naikuwento si Karylle tungkol sa mga pagbabago sa buhay niya, at pati na rin ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Dingdong.

Sa mga susunod na kolum namin ay iisa-isahin namin ang mga dapat malaman ng publiko tungkol kay Karylle.

Source: Abante