|
|
| Karylle, patuloy na ginagamit sina Marian-Dingdong!Author: Abante IILANG e-mails ang natanggap namin na mga nagpapakilala naman at nagsasabing sila ay mga tagahanga ng mga Kapuso Stars na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Iisa ang sintimyento nila sa kanilang e-mails. Bakit daw patuloy na dina-drag ang mga pangalan nina Dingdong at Marian tuwing may guesting o interview kay Karylle? Wala na raw bang ibang mapag-usapan kay Karylle dahil kahit last year pa ang isyu na may kaugnayan sa break-up nina Dingdong at Ka- rylle, hanggang ngayon, 'yun at 'yun pa rin daw ang topic at napag-uusapan kapag si Karylle ang guest. Narito ang sample ng e-mail galing kay Eden Castillo at may e-mail address na kulitkit01@yahoo.com. “Good Day! “Fan ako ni Marian Rivera at naiinis na ako kay Karylle dahil laging gustong nakadikit sa kanya ang name ni Marian Rivera. Manggamit lang para sumikat siya na hanggang ngayon, lubog pa rin ang career. Please lang 'wag niyang idikit ang pangalan niya kay Marian o Dingdong para lang mapag-usapan. Hindi na siya nakakatuwa. Huwag siyang makisawsaw sa kasikatan ng iba. “Salamat po!” Mula naman kay Taps of Dongyanatics na may e-mail address na pork.chop@dongyanatics.org, masasabi naming mas halatang galit na galit ang laman ng kanyang e-mail. Aminado siyang nagiging war freak na raw ang dating ng e-mail niya, pero, hindi raw niya ma-take na patuloy pa rin dina-drag ang pangalan ng dalawa sa bawat interview ni Karylle. May reaction din siya tungkol sa endorsement ni Marian na ngayon ay napunta na kay Karylle. Sey niya sa e-mail, “Blue Water Spa” issue, it's not an issue if Karylle repla- ces Marian as an endor-ser of the said spa... being replaced by anyone as an endorser doesn't mean that she's losing her career (just like what the others are saying). “Ang daming endorsement ni Marian at hindi kawalan sa kanya ang “isa”. Ang tagal na ng news na 'yan, ibinigay na nga kay Karylle para naman magkaroon s'ya ng kahit isang endorsement. Why don't you ask Marian first about replacing her instead of making your own conclusion? “Si Piolo Pascual, pinalitan din ni Akihiro pero bakit hindi naging issue sa inyo, it's because, Piolo is your own talent. That's how it goes.” Again, inuulit namin na ang mga reaction na ito ay nanggaling mula sa fans nina Dingdong at Marian na tila hindi na nakatiis sa mga napapanood daw nilang patuloy na pag-mention pa rin daw sa pangalan ng kanilang idolo. Source: Abante |