|
|
| Karylle, pinagtaguan ni Dingdong?![]() Author: Jun Nardo Parehong nasa Edsa Shangri-La Hotel sina Dingdong Dantes at Karylle nu'ng Biyernes ng tanghali. Pero ayon kay Dingdong, hindi raw sila nagkita. Sa naturang hotel nga ginanap ang press launch ni Dingdong bilang bagong endorser ng Goldilocks. Wala akong idea kung ano naman ang ginawa ni Karylle sa hotel na `yon. Anyway, ipinakita nga sa media ang commercial ni Dong, at nakaagaw-pansin sa amin ng blurb nitong “You're the 1!” “Ha! Ha! Ha! You're the 1, Jun Nardo! Ha! Ha! Ha!” paiwas na sagot ni Dingdong. So, hindi pala si Marian ang, “You're the 1” ni Dingdong? “Sana hindi 'yon ang dahilan. I believe naman na talent should always prevail. I don't see it that way dahil hindi naman ako briefed sa mga nangyayari ngayon sa kanya. Because nga I refuse to know about these things!” Baka naman pinagtaguan lang niya si Karylle? Eh, ano ang reaksyon niya sa mga hula o nagsasabing hanggang 2009 na lang ang tambalan nila ni Marian? May mga tao nga na gusto silang hilahin pababa. “Hula ay hula! Kahit ako puwedeng manghula ngayon, pero ang destinasyon, ang kapalaran mo, ikaw mismo ang gagawa at kasama ang Diyos diyan. “'Yun ang nagpapalakas sa akin. Hindi sa hindi ako naniniwala sa hula, pero hindi ako nagpapahula,” sagot niya. Inamin nga pala ni Dong na nagkasama sila ni Marian nu'ng Dec. 24, bago pumunta ng Cavite ang huli. “When you say special days, masasabi ko na kami, we had our special days because everytime na magkasama kami, special 'yon. 'Pag nasa paggawa kami ng endorsement, special 'yon. Nitong nakaraang Christmas, kailangan din naman niyang ibigay 'yung respect niya sa kanyang pamilya. Buong taon naman magkasama kami.” Saan sila nagkasama ni Marian nu'ng bisperas ng Pasko? Na-miss ba niya si Marian nang muli silang magkita sa taping ng Ang Babaing Hinugot Sa Aking Tadyang? “Siyempre, iba 'yung pakiramdam na hindi mo siya nakita ng ganoong kahabang araw. Mga 4 or 5 days yata 'yon. Pero siyempre, alam naman namin na kailangan kami ng aming pamilya nu'ng nakaraang season. “Siguro, instead of miss, mas looking forward dahil after ng holiday season, magkakasama uli kami. More of that talaga.” “I don't have to prove naman to people. Wala akong gustong paniwalain. If they ask me, I'll answer straight from the heart. Straight from what I believe is right. We don't have to prove anything here. So, I respect their speculations. Kami we will live our lives according to our wish. “Ang importante, alam namin kung okey kami o hindi,” ani pa ni Dong. “Hindi naman ganoon! Ang mahalaga, 'yung understanding ang maganda para maganda ang work ninyo. Throughout the months na magkasama kami, ang understanding namin sa isa't isa, solid! Nandoon ang respect, concern at trust,” sagot niya. Walang love? “Hindi namin priority 'yan ngayon. Ang importante ay ang samahan namin ngayon! It's hard to say mutual dahil ako lang ang nagsasalita. Basta kung ano ang sinabi ko noon, 'yun na ang sa akin,” pahayag ni Dong. “Hindi ako naghahanap. Basta ang nararamdaman ko, nandiyan lang siya... sa planeta! Ha! Ha! Ha!” paiwas na sagot na lang ni Dingdong. Source: Abante |