|
|
| Karylle pinagtawanan ang isyung pakikipag-date kay Dingdong DantesAuthor: Gerry Ocampo NATAWA at hindi na lang pinatulan ni Karylle ang tsikang nag-date sila ni Dingdong Dantes kamakailan. May photo pa silang magkasama na inilabas sa isang tabloid na kanya ring pinagtawanan, sabay sa-bing: "Hindi na ganyan ang buhok ko ngayon, no! Luma na 'yong balita na lumabas sa tabloid na 'yon. " Inamin naman ni Karylle na recently ay talagang nagkita sila ni Dingdong. "Siya ang tumawag sa akin. Kinumusta niya ako at matapos kaming mag-usap, nagkaroon ako ng peace of mind. 'Yon na ang last communication naming dalawa," paliwanag ng dalaga ni Zsa Zsa Padilla. Pahabol pa ni Karylle, naka-move on na siya at ma-saya na ulit dahil nandiyan ang kanyang pamilya na la-ging nakasuporta sa kanya. Sana raw ay matigil na ang pagli-link ulit sa kanila ng ex-boyfriend. Kapwa na raw sila masaya sa kani-kanilang buhay. * * * HINDI na ikinaiirita ni Sen. Bong Revilla ang pagli-link sa kanya sa mga nagiging leading lady niya sa bawat pelikulang kanyang gawin. Ngayon nga ay inaasa-han na niyang i-link na naman siya kay Rhian Ramos na leading lady niya sa pelikulang Panday, entry ng Imus Production at GMA Films sa Metro Manila Film Festival sa December. "Noong una, medyo na-aasiwa ako dahil naaapektuhan ang asawa ko (Lani Mercado). Alam n'yo naman, mahal na mahal ako ng misis ko at medyo nagseselos siya sa kung anu-anong balitang pagli-link sa akin sa mga babaing nagiging partner ko sa pelikula. Ngayon ay okey na, nasanay na si Lani at ako,"say ng host ng Kap`s Amazing Stories na napapanood eve-ry Sunday pagkatapos ng Showbiz Central sa GMA7. * * * SA isyung binigyan ng pera ni Sen. Bong si Jennylyn Mercado. Kuwento ng isa sa mga tauhan ni Bong, nabigyan lang daw siguro ng malisya ang ginawang pagtulong ni Sen. Bong sa actress noong buntis pa ito. "Siguro it all started nang magpunta sa Senate ang nanay ni Jen. That time, Jen was still pregnant. Her mom told Bong na down and out sila, na kailangan ng tulong ni Jen financially," paliwanag ng source. Dahil Kapuso at taga-showbiz din, hindi na raw nagdalawang isip pa si Sen. Bong sa pagbibigay ng sala-pi noon din sa ina ni Jennylyn. Posible raw na naikuwento ng nanay ni Jen sa ibang tao ang pagbibigay sa kanila ng pera ni Sen. Bong, na binigyan naman ng malis-ya ng ibang tao. Sabi pa ng source, dapat daw ay isasama ni Sen. Bong si Jennylyn sa cast ng Ang Panday, pero dahil sa mga intrigang ibinabato sa actress at sa kanya ay nagbago ng isip siya kaya sina Rhian Ramos at Iza Calzado na ang naging co-star niya sa movie na joint venture ng GMA Films at Imus Production. * * * IKINAGULAT ni Kris Bernal ang napabalitang nakita silang naghahalikan ni Carlo Aquino sa Starbucks-Commonwealth Avenue, QC. Pero aminado ang leading lady at ka-loveteam ni Aljur Abrenica sa Nandito Ako... Nagmamahal Sa`Yo ng Regal Films na nakatakdang ilabas sa mga sinehan on Sept. 30 na nagkita nga sila ni Carlo Aquino sa nasabing lugar, pero matagal na raw 'yon. Hindi naman apektado ang young actress sa tsika dahil 'di naman daw 'yon totoo. Mas naging interesado pa siyang pag-usapan ang pagrampa ng leading man na si Aljur at Gerald Anderson sa isang show na ginawa sa The Fort kamakailan. Inamin ni Kris na kinilig siya kay Gerald at kukunan sana niya ito ng video. Ang siste dahil sa kasisigaw niya nang rumampa na si Aljur, nakaligtaan na niyang i-video ang pagrampa ng dalawang young actors. Inamin ni Kris na gusto niyang maging friend si Ge-rald. Hindi naman kaya magselos si Aljur at maging dahilan ito ng pagkasira ng kanilang loveteam? * * * MASAYANG-MASAYA si Sunshine Dizon dahil sa kanya ipinagkatiwala ng GMA7 ang remake ng peli-kula ni Nora Aunor na Tinik Sa Dibdib na naging blockbuster sa takilya noong 1985. Ang ikinatuwa pa ni Sunshine, tanggap siya ng Noranians para gampanan ang na-turang role. Malaking bagay raw dahil susuportahan din nila ang kanyang TV version ng Tinik Sa Dibdib. We heard na magkakasabay ang press conference para sa Tinik Sa Dibdib ni Sunshine at presscon ng bagong show din ni Iza Calzado sa Siyete. Dito magkakaalaman kung totoo bang nagkatampuhan ang dalawang naging magkaibigang matalik . Source: Taliba |