Nov 25
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Karylle, ready to leave 2008's intrigues and heartaches behind

Author: Gidget Alikpala
Column: Entertainment

Inamin ni Karylle sa The Buzz na wala silang komunikasyon ng kanyang dating boyfriend na si Dingdong Dantes nitong katatapos lang na holiday season. Sinabi pa ng young singer na iba ang naging diskusyon umano nila ni Dingdong.

"We had a different discussion but nothing about Christmas and the holidays, which is fine, you know."

Nang usisain ng host na si Boy Abunda kung may iba silang napag-uusapan, biglang tumangging mag-elaborate si Karylle sa kanyang naumpisahang sagot. "We have some things that... huwag na lang nating pag-usapan."

Samantala, nang ipaliwanag ni Boy na maraming tao ang hindi naniniwala sa ibinigay na dahilan ni Karylle na kawalan ng oras sa isa't isa ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Dingdong, sinabi ni Karylle na hindi kayang ipaliwanag ang lahat sa isang pahayag lamang.

"One of the things I said was it would be hard to explain in a statement, in a single statement," simula ni Karylle. "Hindi mo naman mae-encapsulate everything that happened. So why try di ba?"

Dagdag pa ng dalaga, kahit sila mismo ng dating boyfriend ay may mga hindi rin naintindihan sa mga pangyayari sa kanilang relasyon.

"I was telling people before, even we (Dingdong and me) don't understand what exactly happened, and you know, we have questions still. So mahirap talagang magbigay ng sagot na ganon," sabi ni Karylle.

Inamin din ni Karylle na sobrang naapektuhan ang kanyang ina, ang divine diva na si ZsaZsa Padilla nang mag-break sila ni Dingdong. "There was a time when she was very, very hurt. I wouldn't say angry, pero alam mo 'yon, a mom has the right to feel that way naman talaga."

Ipinaliwanag din ni Karylle na hindi naman siya pinakikialaman ng kanyang nanay tungkol sa mga pangyayari sa kanyang buhay subalit nakikita naman niya na proud sa kanya ang ina. "Just the look on her face when she sees me onstage. Sometimes I see her at the side, she has that proud mama glow and that smile, and that says it all."

Share pa ni Karylle ngayong single siya ay mas lalo niyang naa-appreciate ang kanyang pamilya at kung gaano siya kamahal nito. "I think I'm in the stage where I'm happy now. I guess I feel so much love from my family. Parang when you're in love you kinda forget them," paliwanag ni Karylle.

Nilinaw rin ng singer ang mga chismis na naguugnay sa kanya kina Christian Bautista at Jericho Rosales. Very cautious na raw ang singer-actress ngayon sa usapang pag-ibig.

Aprubado raw sa kanyang pamilya si Christian bilang kaibigan, samantalang "baka" nga may gusto sa kanya si Echo na sinasabing may intensyong ligawan siya. "Mahirap magsabi na yes or no," natatawang sagot ni Karylle.

Source: ABS-CBN News