|
|
| Karylle says may chance si Christian pag nanligawAuthor: Rowena Agilada KAPAMILYA na rin ng Ever Bilena products si Karylle at siya ang endorser ng Pink Water body spray.
May four scents ang Pink Water body spray, Feel Me, Smell Me, Kiss Me at Love Me at ayon kay Karylle, Kiss Me at Love Me ang mga paborito niya. Asked kung para kanino ang mga 'yon, "Wala pa ngang kumi-kiss sa akin at sana, may mag-love na sa akin," nakangiti niyang sabi. Soon ay mapapanood na ang TV commercial ni Karylle para sa Pink Water body spray kasama si Christian Bautista na kakanta ng commercial jingle. Magkakaroon din si Karylle ng billboards. Single pa rin daw siya for almost a year pero lumalabas na siya sa kanyang comfort zone. She goes out with different circle of friends at tumaas na ang kanyang self-confidence. "I'm discovering and appreciating myself," ani Karylle. Wala raw nanliligaw sa kanya pero this past weekend, marami ang nag-imbita to go out at manood ng 'The Proposal.' Asked kung isa ba roon si Coco Martin na heard ay nagba-blush at the mere mention of her name, napangiti lang si Karylle. Nanood lang daw siya ng special screening ng 'Kinatay' at nagkita sila ni Coco. Nagpa-picture lang daw siya with him. For the nth time, itinanggi ng dalaga na nanliligaw sa kanya sina Jericho Rosales at Christian Bautista. "Christian is one of the kindest persons I've met and if ever, manligaw siya, siyempre, may chance," she said. Asked kung binati niya si Dingdong Dantes noong birthday nito (Aug. 2), "Pag nagkita kami, babatiin ko siya. Hindi ko siya tinext. Para namang hindi na yata proper, di ba? Baka magka-isyu pa. Ayoko nang makigulo sa kanila. Ayoko nang makialam. I'm happier now with my life." De kalibreng aktres Maraming projects ang tinanggihan noon ni direk Laurenti Dyogi dahil busy siya as business unit head ng 'Pinoy Big Brother' (PBB). Pero nang ialok sa kanya ng Star Cinema ang 'And I Love You So,' nagustuhan niya ito at naging excited gawin ang project. "Maganda ang laman at mga kaibigan ko ang writers. Nang ikuwento nila ang story, napa-'wow' ako. Naka-relate ako noong nabasa ko ang script. Ang dami kong natutunan sa character. More than 'yung na-feed ko sa character, mas na-feed ako ng character, 'yung pagkatao ko in real life," he said. Dugtong pa ni direk Lauren, gusto niya ring malaman kung nag-mature na siya as a director kaya tinanggap niya ang project. Plus, napakaimportanteng tao raw sa buhay niya si Bea Alonzo. Isa siya sa mga unang mentors ng young actress noong bago pa lang ito sa showbiz. Bea was only 14 years old noong nagkatrabaho sila sa 'Now That I Have You.' She's 21 now. In 'And I Love You So,' Bea plays Lara, a pre-school teacher na maagang nabiyuda. To feel her role, nag-interbyu pa si Bea ng tunay na biyuda. Marami raw siyang natutunan para sa character niya sa pelikula. "Bea deserves a solo project. Star Cinema is building her up as a solo artist and I believe she can shine on her own. Sana, makilala siya bilang isang de kalibreng aktres," said direk Lauren. AILYS opens today in theaters at may regular international screening din sa San Francisco, Las Vegas at San Diego sa USA from Aug. 14 to 20 at sa Guam from Aug. 15 to 21. And more Mamaya sa 'All My Life,' balak nang ipagtapat ni Romina kay Jules ang nalaman niya tungkol kina Romano at Dessa. Susugurin ni Romano ang pamilya ni Jules. Hindi pa rin maipagtapat ni Efren kay Romina na siya ang tunay na ama nito. Magdedemanda si Marita laban kay Romano, magsasampa naman ito ng kasong kidnapping laban kay Jules... Sa 'Adik sa Yo,' hihingi ng tawad si Karen kay Ruben. Malalaman ni Joana na naghihirap na sina Luigi. Aakitin naman ni Maureen si Luigi. Sabay magpo-propose ng kasal sina James at Carlos kay Joana. Magtatrabaho si Karen bilang katulong sa bahay nina Ruben sa tulong ni Aling Caring. Source: Tempo |