|
|
| Karylle transforms into Mariang Makiling![]() Author: Arniel Serato Maligayang-maligaya si Karylle sa pagkapili sa kanya bilang Mariang Makiling sa nakaraang Mariang Makiling Ecological and Cultural Festival last February 12, 2009. "Nakakatuwa kasi yung first ever role ko sa Agimat: Anting-Anting ni Lolo, ako si Mariang Makiling, at yun nga diwata sa Encantadia, so natutuwa naman ako na kahit papano parang ganoon ulit yung ginagawa ko. Tapos may mga painters from all over the Philippines, all over the world din naman, so first time ko to pose for a painting, talaga namang kailangang behave, nakaupo lang. Kaya naman sobrang honored ako to be part of this project." Ang ama ni Karylle na si Dr. Modesto Tatlonghari ay tubong Calamba, Laguna. "Taga-Laguna po talaga ako, noong bata pa ako, palagi kong nakikita ang MountMakiling kasi para talagang nakaukit yung diwata sa bundok, nagka-camping kami dito, so marami talaga akong fond memories of Makiling," dagdag pa ng dalaga sa aming panayam habang naka-break sa kanyang pag-po-pose sa harap ng mga visual artists and sculptors. Matatandaang sa mga panayam noon kay Marian Rivera, ang babaeng sinasabi ngayong "espesyal" sa puso ng kanyang ex-boyfriend na si Dingdong Dantes na ang mga Cavitena daw ay palaban. Kaya tinanong din namin si Karylle kung ano nga ba ang ugali ng isang taga-Laguna. "Taga-Laguna? Siyempre hindi ko naman masasabi 'yun pero sabi-sabi lang naman yun na bawat probinsiya may certain na ugali. Pero ako kasi hindi na ako naniniwala sa ganyan eh. I am very non stereo-typical." Since Valentines na, handa na kayang umibig si Karylle? Ito lang ang sagot ng singer-actress, "Ang pag-ibig ay kung anu-anong pag-ibig...pag-ibig para sa kaibigan, pamilya at kalikasan." Source: ABS-CBN Interactive |