Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Karylle, wala nang 'care' kina Dingdong at Marian!

Karylle, wala nang 'care' kina Dingdong at Marian!

Author: Rey Pumaloy

Nagtataka si Karylle dahil kinakastigo siya ng mga fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa internet, samantalang wala naman daw siyang sinasabing masama tungkol sa dalawa.

Sabi kasi ng mga fans nina Dingdong at Marian, hindi pa rin tinitigilan ni Karylle ang pagkukuwento tungkol kina Marian at Dingdong.

Inaakusahan nga ng mga fans nina Marian at Dingdong si Karylle na ginagamit pa rin nito ang dalawa.

Pero sa totoo lang, kung si Karylle ang masusunod, a­yaw na sana niyang magsalita pa tungkol kina Dingdong at Marian. Pero, ang mga manunulat nga ang nagpipilit na pasagutin si Karylle tungkol kina Dingdong at Marian.

Anyway, nung huli ngang humarap sa mga manunulat si Karylle ay inusisa na naman siya tungkol sa pag-iiwasan pa rin nila ni Dingdong.

Sabi lang ni Karylle, matagal na silang hindi nagkikita ni Dingdong. At kahit daw sa mga meeting para sa negosyo na magkasosyo sila ay hindi sila nagkikita.

“Puwede naman kasing separate, eh. Kumbaga, nakikipag-meeting kami sa mga business partners namin sa magkaibang oras o araw. But the business is doing very well,” say lang ni Karylle.

So, parang nag-iiwasan nga sila, dahil kailangan pa na magkahiwalay nilang kausapin ang mga kasosyo nila sa negosyo?

“Ay, hindi naman! Walang effort on my part na ganun. Basta, ganun `yon,” nakangiting sagot lang niya.

Anyway, in fairness kay Karylle, matipid nga siyang magsalita pag tungkol kina Dingdong at Marian ang i­nuusisa sa kanya.

Minsan pa ay kinulit namin siya tungkol sa masayang relasyon ngayon nina Dingdong at Marian. At sa simula, parang ayaw na niyang magsalita, pero napilit pa rin namin siya.

“Hindi ko alam? At this point kasi, wala na akong say. So...” matipid na sabi ni Karylle.

Kinulit pa rin namin si Karylle, at sinabi namin na wala na ba talaga siyang 'care' sa nangyayari ngayon kina Dingdong at Marian.

“Ayoko namang sabihin na wala akong care. Baka kasi sabihin na naman ng iba na bitter ako. Wala lang akong say,” matipid pa rin na tugon niya.

Sweet na sweet daw ngayon sina Dingdong at Marian? Sa SOP nga ay hindi naiwasan ng dalawa na maghalikan.

“Siyempre, I cannot comment on another show. Sa ASAP ako, eh. Pero, wala akong maiku-comment tungkol doon.

“Depende rin kasi sa pagkakakuwento sa iyo, eh. Iba-iba rin ang version na naririnig,” sabi lang niya.

Sabi ng iba, vindicated si Karylle, dahil lumabas na totoo ang tsismis noon, na bago pa sila nagkahiwalay ni Dingdong ay may namumuo na talagang lambingan sa pagitan nina Marian at Dingdong.

“For me, no need for vindication! It's not anything I ever wanted or justice.

Nothing of that sort!” simpleng tugon pa rin ni Karylle.

Anyway, dahil mahirap ngang pilitin si Karylle na magsalita tungkol kina Dingdong at Marian, iniba na lang namin ang tsikahan.

Sabi ni Karylle, masaya siya ngayon dahil patuloy na dumarating ang blessings sa kanya. Kamakailan nga ay nanalo sila ni Kitkat ng isang milyong piso sa Pinoy Bingo Night ni Kris Aquino.

Sabi ni Karylle, may gagawin siyang project na makakatulong sa ibang tao, pero ayaw na lang niyang sabihin. Tama na raw `yung makatulong siya.

Source: Abante