Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kasal ni Camille, bawal ikuwento ni John

Author: Gerry Ocampo
Column: Hot Shots

KINUMPIRMA ni John Prats na ikinasal na nga ang utol niyang si Camille Prats sa Tate, pero mahigpit daw siyang pinagbawalan na magkuwento tungkol dito.

"Gusto kasi ni Camille na siya ang magkuwento kaya ganu'n na lang kahigpit ang bilin niyang huwag na huwag daw akong magkukuwento. Basta, masaya naman 'yung kasalan," say ni John.

Hindi pa rin daw nanganganak si Camille at gustuhin man niyang makita ang pamangkin ay hindi na niya nahintay pa dahil kailangan na niyang bumalik ng 'Pinas para sa mga commitment dito.

Tungkol naman sa kanila ni Shaina Magdayao, ani John, okey sila at wala siyang alam na may isyu siyang dapat ayusin o sagutin.

* * *

PINASINUNGALINGAN ni Chariz Solomon sa pahabol na Christmas party sa press ng GMA Artists Center ang balitang inabandona niya ang mga kapatid at nagsolo ng tirahan kasama ang Chinese boyfriend.

Totoo raw na wala na siya sa dati nilang tirahan sa Pasay at nangungupahan na ngayon sa may Araneta Avenue. Pero, lagi pa rin daw siyang pumupunta sa dating bahay para tingnan ang mga kapatid.

Kaya raw siya lumipat ng bahay ay para makaiwas sa traffic at mapalapit sa GMA-7, kung saan kaliwa't kanan ang kanyang projects.

Bukod sa regular show na Zaido, My Only Love, Bubble Gang at Startalk Struck Attack, kasama rin si Chariz sa Valentine movie nina Richard Gutierrez at Marian Rivera na My Bestfriend's Girlfriend.

Hindi rin daw sila nagli-live-in ng kanyang Chinese boyfriend dahil ang P. A. raw niyang si Marie ang kasama niya sa apartment.

* * *

MATAMIS na ngiti lang ang sagot ni Senator Bong Revilla sa tsikang natikman siya ng dating aktres na si Pia Moran.

Hindi na bago kay Sen. Bong ang ganu'ng mga tsika. Totoo man o hindi, hindi na niya pinagpapapatulan ang mga intriga.

Sa halip, nakatutok ang puso't isipan niya sa pagtulong sa kapuwa at pagbibigay-oras sa Kap's Amazing Stories sa GMA-7 tuwing Linggo.

"Hayaan mo na lang sila kung diyan ba sila masaya. Ibigay mo na lang ang hilig nila," ani Sen. Bong.

* * *

SINAGOT ni Angelika dela Cruz sa Balakubak portion ng Nuts Entertainment ang paratang na nagka-amnesia siya kaya hindi na niya matandaan kung sinu-sino ang mga naging showbiz boyfriends niya.

Maliban dito, napasabak din si Angelika sa iba't ibang signature game portions ng NE kasama sina Paolo Contis, Jen Rosendahl at Rhian Ramos.

Source: People's Tonight