|
|
| Kasalang Edu-Pinky, may basbas ni MaryaAuthor: Vinia Vivar "Happy ako para sa kanya," ang sagot ni Maricel Soriano nang hingan ng reaksyon hinggil sa binabalak na pagpapakasal ng ex-husband niyang si Edu Manzano sa current girlfriend na si Pinky Webb. "Alam mo, magkaibigan naman kami ni Edu. Game ka na ba?" pabakla pang sabi ni Marya. "Sabi ko sa kanya, game ka na ba talaga ulit? Alam mo naman kaming dalawa, wala naman kaming ano, friends kami. I want him to be happy also," dagdag pa niya. So, legally, puwede na bang magpakasal si Edu ulit? "Oo naman siguro, pero hindi naman ako ang pari, eh. Hindi naman ako ang magbabasbas," pagpapatawa pa ng Diamond Star. Ayon pa kay Marya, expired na ang kasal nila ni Edu since more than seven years na ito. But then, hindi nalinaw ng aktres kung officially annulled na ba sila ni Edu, pero nasabi niyang nag-usap sila ng aktor on how to go about it. "Naku, huwag na nating dalirutin ang kasal na 'yan," say pa ni Marya. Samantala, excited siya sa T2, isang serious suspense-horror-drama mula sa direksyon ng tinaguriang "Master Director" na si Chito Roño. Tinatalakay ng pelikula ang tungkol sa engkuwentro ng mga tao at engkanto at trailer pa lang, matatakot ka na. Nag-research pa si Direk Chito ng tungkol sa mga engkanto at ipakikita sa T2 ang mga kaalamang nakuha, kaya hindi raw ito isang ordinaryong fantasy film dahil first time ipakikita sa isang pelikula kung paano ba ang mga engkanto sa totoong buhay base na rin sa actual studies na nakuha nila. Ipalalabas na sa April 11 ang T2. Kasama rin sa movie ang batang si Mica dela Cruz, Derek Ramsay, Camille Prats, Eric Fructuoso at marami pang iba with the special participation of John Lloyd Cruz and Camen Soo. * * * It's final and official, si Sarah Geronimo ang kokoronahan ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. bilang Box-Office Queen of 2008 para sa pelikulang A Very Special Love. Ito ay matapos ang deliberation ng board members ng GMMSFI the other night. Ang nahirang namang Box-Office King ay si John Lloyd, leading man ni Sarah sa AVSL. Bukod sa Box-Office Queen title, si Sarah din ang dineklarang Best Female Concert Performer of the Year for Sarah Geronimo: The Next One at Female Recording Artist of the Year. Nauna nang nai-declare sina John Lloyd at Sarah bilang Box-Office King & Queen, respectively, ng SM Cinemas para sa pelikulang A Very Special Love. Kasalukuyang nasa The Next One U. S. tour si Sarah, pero nakausap na siya ng Viva Entertainment big boss na Vic del Rosario at sinabing excited na siyang umuwi para tanggapin ang nasabing mga award galing sa Guillermo. Samantala, natanggap din namin ang magandang balitang sold out ang concert ng Pop Princess sa Honolulu, Hawaii, sa Neal Blaisedell Concert Hall. Source: People's Tonight |