|
|
| Kasalang Mar at Korina, sa Big Dome ang receptionAuthor: Nitz Miralles Ang latest sa October 23 wedding nina Sen. Mar Roxas at Korina Sanchez ay sa Araneta Coliseum na gagawin ang reception na unang binalak sa Plaza Miranda. Iba pa ang Big Dome reception sa reception sa Bahay na Puti ng mga Araneta sa Cubao, Quezon City. Sabagay, mas magan-da kung sa Big Dome na ang reception dahil umulan man, 'di mababasa ang mga bisita at 'di masya-dong proproblemahin ang security ng mga dadalo. Ano kaya ang gagawing ayos sa loob ng Big Dome para mas lumuwag ang space? Also, matupad kaya ang request ni Korina na walang macho dancer sa kanyang despedida soltera? Naaawa raw siya sa mga macho dancers, kaya nakiusap na 'wag mag-imbita ang mga magbibigay sa kanya ng despedida. * * * Sa October 18 na ang balik ni Nadine Samonte mula sa pagbisita sa ama at paternal grandmother niya sa isang lugar sa Germany at sa kanyang pagdating, kung magpapa-interview, mabibigyang linaw na ang isinumbong ni Jayson Gaiza na dinedma niya ang paghingi ni Jayson ng tubig noong nananalanta si Ondoy nang magkita sila sa Select Shell station sa may Ortigas. Hindi naidepensa ni Nadine ang isyung tubig ni Jayson dahil wala nga siya at ang ina nito ang nagpaliwanag na walang ganu'ng nangyari, pero mas maganda pa rin kung kay Nadine maririnig ang buong istorya. Tanong ng mga taga-GMA Artist Center, bakit si Nadine ang pinagdiskitahan ni Jayson? Bakit hindi ang security guard ng Select o kaya'y tindera na hindi nagbenta sa kanya ng tubig ang sisihin nito. That time, hindi lang ang pag-aalala sa kotseng lumubog ang nasa isip ni Nadine, kundi kung paano sila iiwas para 'di maapektuhan sa nasusunog na establishment malapit sa Shell station dahil nasa loob sila ng ni-lift nilang kotse habang may sunog. * * * Si Heart Evangelista na ang final choice to play the role of Stephanie, ang eldest child ni Sharon Cuneta sa Mano Po 6: My Mother at pumirma na ng kontrata ang aktres du'n mismo sa bahay ni Mother Lily. Sa Tuesday na ang first shooting day ni Direk Joel Lamangan sa tinatayang most expensive Mano Po series na game na gagastusan ng Regal at ng mga producers. Sa third week ng November ang alis ng cast na may eksena sa China. First Mano Po movie rin ito ni Ciara Sotto at Dennis Trillo. Hindi pala natuloy si Helen Gamboa na sabi'y makakasama sa cast. * * * Joint project ng ENPRESS o Entertainment Press at ni Alfred Vargas ang feeding program bukas, October 11, 9 a. m. para sa 1,000 children ages 7-12 years old. Sa Kalayaan B Covered Court ng Batasan Hills, Quezon City, gagawin ang feeding program na tatawaging Kalinga Para sa mga Bata. Hindi ito ang first time and definitely not the last feeding program na gagawin ni Alfred para sa mga bata sa 2nd district ng Kyusi. Noong kasagsagan ng bagyong Ondoy, tumulong din siya sa mga biktima nito. Source: People's Tonight |