Apr 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kaseksihan ni Alessandra de Rossi, ' di natalbugan ng alindog ni Angel Locsin!'

Kaseksihan ni Alessandra de Rossi, ' di natalbugan ng alindog ni Angel Locsin!'

Author: Dondon Sermino
Column: Palaban 'To No!

MASIGABONG palakpakan ang ibinigay ng miyembro ng movie press sa ginanap na presscon ng Darna kahapon ng tanghali sa studio 3 ng GMA 7. Pinaghandaan pati ang ginamit na entablado, at pati na ang pagpapakilala sa mga karakter sa GMA fantaserye.

Sa pamamagitan ng pagkuwento, ipinakilala ang mga karakter ng mga tauhan tulad nina Tonton Gutierrez, Caridad Sanchez, Karen delos Reyes, Jacque Esteves, Ella Guevarra, Gina Pareno, Ryza Cenon, Francis Magindayao at CJ Muere (na gaganap na Ding).

Ipinakilala rin ang tatlong lalake na mag-aagawan sa puso ni Narda, sina Wendell Ramos (bilang isang amateur reporter na palaging nakaantabay sa mga pagliligtas na ginagawa ni Darna), Jeremy Marquez (bilang kaibigan ni Narda na may lihim na pagtingin sa dalaga) at Dennis Trillo (bilang childhood sweetheart ni Narda na pilit na inaagaw ni Valentina).

Mas tumindi ang paghanga ng mga manunulat nang isa-isa ring ipakilala ang mga makakalaban ni Darna na may kanya-kanyang kakayahan o powers. Nandiyan si Celia Rodriguez na bilang Braguda, ang reyna ng kadiliman na mula sa planetang Marte.

Eddie Garcia, bilang Mambabarang na Hari ng mga insekto.

Carmina Villaroel, na ang ganda-ganda pa rin, bilang Sulfura, na nakapagpapatunaw ng kanyang mga kalaban.

Christine Reyes, si Molecula, ang babaeng nag-iiba-iba ng anyo.

Alessandra de Rossi, na gaganap na Valentina, ang pinsan ni Narda na mortal din niyang kaawan.

Kasali rin sina Christopher de Leon, bilang Dr. Zombie, na may kakayahang bumuhay ng patay.

Sandy Andolong, bilang Prospera na ina ni Valentina at malupit na tiyahin ni Narda.

Maureene Larrazabal bilang Aio, ang kanang kamay ni Adran sa planetang Marte.

Si Lorna Tolentino ang gaganap na Adran, ang pinuno ng lahing Adranika na mula sa planetang Marte.

Lani Mercado, bilang Nanay Ising na butihing nanay ni Narda.

At siyempre pa, si Angel Locsin, bilang Narda at Darna.

�***

Marami ang napa-wow nang lumabas na si Valentina na may nakasalampay na malaking ahas sa katawan. Sa totoo lang, ang seksi-seksi ni Alessandra sa costume niya, at hindi talaga patatalo ang klase ng pagi-emote niya.

Kumbaga, panalung-panalo si Alessandra sa papel na kontrabida. Kontrabida na sa tingin ko ay kamumuhian mo talaga, pero kagigiliwan ng maraming bading, dahil sa mahusay na pagi-emote niya.

Siyempre, lalong hindi patatalo ang mga beteranong artista na tulad nina Celia at Eddie. Presscon lang �yon, na kung tutuusin ay puwede na nilang deadmahin, dahil hindi naman sila ang mga bida sa fantaserye na ito.

Pero, dahil sa pagiging professional nila, hindi sila nagdalawang isip na sumipot sa presscon, nakipag-cooperate sa rehearsal para sa presscon, at nagsuot ng mainit at makakapal na costume at nagpalagay ng make-up sa kanilang mga mukha at katawan.

Sabi ng GMA staff, maagang dumating ang mga beteranang artista na kasali sa Darna. Nagtanong ng mga dapat nilang gawin at sumunod sa mga inutos sa kanila ng mga taong namamahala sa fantaserye.

***

Sina Eric Quizon at Dominic Zapata ang mga director ng Darna. Magkatuwang nilang pagagandahin ang kaabang-abang na fantaseryeng ito ng GMA 7.

Sa himig ng pananalita ng mga bossing ng GMA 7 na sina Atty. Gozon,�Mr. Jimmy Duavit at Wilma Galvante, malaki ang paniniwala nila na tatangkilikin talaga ang Darna ng publiko. Sabi nga nila, ginastusan nang husto, para sa mga manonood na tinatanawan nila ng utang na loob.

Ramdam na ramdam din ang paniniwala nila na si Darna ang kaisa-isang Pinoy Superheroine na sikat na sikat sa Pilipinas.

Ang Darna ay nilikha ni Mars Ravelo mahigit limang dekada na ang nakaraan at kasalukuyang nababasa pa rin ngayon sa Mango Comics. Kaya hindi nga kataka-taka, na sa tinagal-tagal na ni Darna sa komiks, na kahit ilang ulit na ring naisasalin ito sa pelikula, nananatili pa rin siyang sikat o maituturing na pinaka-popular at mas kinikilalang superhero ng mga Pinoy, maging bata man o matanda, mayaman o mahirap, babae o lalaki.

Isang pruweba ng kasikatan ni Darna ay ang katotohanan na halos lahat ng mga sikat o baguhang aktres sa kasalukuyan at sa nagdaang panahon�ay umasam at patuloy�na umaasam na�sana ay�magampanan nila ang papel bilang Darna.

Sa totoo lang, sobrang suwerte ni Angel dahil sa sobrang laki ng tiwala na ibinigay sa kanya ng GMA-7. Matapos niyang ipagaspas ang kanyang mga pakpak at sakupin ang kalangitan bilang Alwina sa katatapos lang na telefantasyang Mulawin, heto nga at muli na naman siyang lilipad bilang Darna, na may taglay na hindi mapantayang kapangyarihan.

Maraming artista ang nag-audition bilang Darna. Ang iba ay hindi nangiming maglambitin at magsuot ng costume para lang mapansin. May iba pa nga na nanggaling sa ibang istasyon, na lumipad sa harap ng screening committee ng Darna, para sabihing puwede rin silang gumanap bilang Darna.

Pero, heto na nga, si Angel na ang napiling Darna. At suportado siya ng GMA 7 sa bagong paglipad na ito sa kanyang karera.

Kung tutuusin, maraming seksing aktres, na sikat din naman, ang naghangad na gumanap na Darna. Kailangan kasi sa babaeng gaganap na Darna ay seksi ang pangangatawan at maganda ang mukha.

Sa kasuotan pa lang kasi ni Darna, na lutang na lutang ang dibdib at ang hubog ng katawan, kailangan talagang maging maganda at seksi ang babaeng gaganap na Darna.

Sabi ng isang manunulat, si Anjanette Abayari ang maituturing na pinakaseksing gumanap na Darna. Sa hubog ng katawan nito noon at sa laki ng kanyang boobs, at sa klase ng costume ni Darna na isinuot nito, na halos luwa na at nasisilip na ang mga pribadong bahagi ng katawan nito, wala raw duda sa parteng �yon.

Katunayan, saksi raw siya kung paano nagkagulo ang mga lalake sa loob ng sinehan na pinagpalabasan ng Darna noon ni Anjanette. Eh kasi nga raw, umaalug-alog ang boobs at halos litaw na litaw ang singit nito sa tuwing lumilipad sa ere.

Panay rin daw ang hiyawan ng mga lalake sa tuwing sumisigaw ng Darna si Anjanette noon. Eh kasi nga raw, �yon ang tsansa na makikita nila ang alindog ni Anjanette.

Pero, hindi ako sigurado kung ang Darna na �yon ni Anjanette ang maituturing na pinakakumitang Darna sa lahat ng henerasyon. Unang-una, mahirap ngang talunin ang nairekord ni Vilma Santos sa takilya bilang Darna.

Pero, ano nga ba ang pakiramdam ni Angel at sa kanya napunta ang pinakasikat na superhero sa Pilipinas?

"Malaki at mabigat na pasanin sa balikat ko ang Darna. Para akong nagpipenitensiya, after Mulawin. Gagawin ko ang lahat para rito.

"Ayokong mapahiya sa mga taong nagtiwala sa akin at patuloy na nagtitiwala," sabi ni Angel.

Sa totoo lang, kung paGMAmasdan mo si Angel na nakasuot ng Darna, at kung tunay kang lalake, mamamangha ka talaga sa kanya. Hindi man kalakihan ang kanyang dibdib, pero alam na alam mong hindi ito laspag at ni hindi hinipo ng siyensiya o kahit na sinong doctor.

Hindi man katulad ng seksing bote ang kanyang katawan, na kung tutuusin ay may konting taba-taba pa nga sa gilid, pero alam na alam mong sariwang-sariwa ito.

Pero ang mukha ni Angel, na ang ganda-ganda at tila inosente kapag tinitigan nang husto, hindi patatalo sa mga naunang gumanap na Darna. At sa lakas ng appeal ni Angel sa mga batang babae, lalo na sa mga kabataang lalake at babae, sa tingin ko ay hindi nagkamali ang GMA 7 na siya ang piliin bilang Darna.

Sa April 4 na magsisimula ang paglipad ni Darna.

Source: Abante