Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kaseksihan ni Gretchen, type na type ni Dingdong!

Kaseksihan ni Gretchen, type na type ni Dingdong!

Author: Abante

SI Gretchen Barretto ang nangunguna sa listahan ni Dingdong Dantes bilang pinakaseksing aktres sa Pilipinas. At sabi nga, lumalabas na mahilig pala si Dingdong sa mga older women.

“Puwede bang wala na lang ranking? Kumbaga, sasa­bihin ko na lang kung sinu-sino sila.

“Pero, unang-una talaga, all-time crush ko talaga is Gretchen Barretto!”

Bakit si Gretchen?

“Ano siya, eh, bata pa lang ako, crush ko na siya. Siyempre, hindi siya mawawala para sa akin.”

Second?

“Si Eula Valdez, because I remember her posing one time for FHM, para sa akin, 'yun ang isa sa pinaka-best cover, so far.”

Although, Dingdong regrets to inform na wala raw siyang kopya ng naturang FHM cover ni Eula.

Sa ikatlo at ikaapat, nag-request si Dingdong na kung puwede raw ba na haluan niya ng foreign actress dahil dati pa raw siyang naseseksihan sa dalawang Kate sa Hollywood.

“Sina Kate Hudson at Kate Beckingsale. 'Yung dala­wang 'yun, talagang ulti­mate Hollywood crush ko.”

At ang panghuli?

“Siyempre, si Marian Rivera!” sagot niya.

So, anong part ng katawan ni Marian ang pinakagusto niya?

“Lahat!”

So, ang totality ng sexiness ay kay Marian niya nakita?

“Yes!”

Pati ba ang pagiging jologs nito?

“Yes, kumbaga, it comes with the personality. So, isa 'yon sa mga exciting.”

Kung halimbawa at naging sila na nga, although, may mga nagsa­sabi at naniniwalang sila na nga raw, ikokorek ba niya ang pagiging jologs ni Marian?

“Hindi!” maagap niyang sabi.

“Wala namang dapat ikorek. Nakilala ko siya bilang ganoon at respeto ko kung sino siya. For me, she's okay and more than okay for who she is.”

Sabi nga ni Dingdong, nobody's perfect.

“Actually, for me, mahirap sabihing okey, eh. Pero para masabi kong okey, 'di ba?” sey nga niya.

Sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, ikinuwento ni Dingdong na may eksena raw sila ni Marian na literal na pumasok sa kuwarto niya si Marian, and since then, nagulo na ang kanyang mundo.

Sinundot namin ng tanong 'yun na kung sa totoong buhay, sa pagpasok daw ba ni Marian sa buhay niya ay nagulo rin ang kanyang mundo?

“Nadagdagan ng kulay!” nakangiting pagtatama niya.

“Hindi ko sinasabing hindi makulay, ha! Naragdagan ng kulay. Definitely, naragdagan ng kulay.”

Anong kulay?

“'Yun ang medyo, kumbaga sa ano, nasa dark room pa, eh. Dine-develop pa lang,” natatawa niyang sabi.

Siyanga pala, si Dingdong ang bagong endorser ng Goldilocks.

Source: Abante