|
|
| Kaseksihan ni Jennylyn, tatapatan ni Mark!![]() Author: Rey Pumaloy TATAPATAN na ni Mark Herras ang pagpapa-sexy ni Jennylyn Mercado. Katunayan, tuluy-tuloy ang pagwu-work out niya ngayon para gumanda ang kanyang katawan. Kailangan kasi niyang mag-swimming trunks sa bagong soap opera nila ni Jen sa GMA 7. Sabi ni Mark, hindi na siya nakaiwas na magpa-sexy pa dahil ang mga big boss na rin ng Siyete ang kumausap sa kanya, na kailangan na niyang baguhin ang image niya, na mula sa pagiging boy-next-door, kailangan na niyang ipakita ang pagiging mature na artista niya. Sa ngayon, bagama't maliit pa lang ang umbok sa kanyang katawan, proud na si Mark sa namumuong muscles sa kanyang dibdib at braso. Kuwento pa rin ni Mark, ang laki na ng ipinagbago ng buhay niya ngayon. Kung noon daw ay 1 a.m. siya natutulog, ngayon ay 10 p.m. pa lang daw, tulog na siya. Anyway, bagama't excited si Mark sa pagpapa-sexy niya, hindi raw niya bibiglain ang kanyang mga fans. Gusto raw niyang paghandaan ang pagpu-pose na naka-brief lang. “Ayoko kasing magpabigla-bigla. Bata pa naman ako. Sina Kuya Dingdong (Dantes), hindi naman agad nagpa-sexy. So, hindi ko mamadaliin,” sabi ni Mark. Siyanga pala, plano ni Mark na bumili ng mamahaling kotse. Source: Abante |