Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Kaseksihan nina Carlene, Carla, Ynna at Joanne, pinagpiyestahan sa Boracay! Paolo, nahiwa ang paa!

Kaseksihan nina Carlene, Carla, Ynna at Joanne, pinagpiyestahan sa Boracay! Paolo, nahiwa ang paa!

Author: Rey Pumaloy
Column: Oh, Laban Ka?!

PARANG walang ka­tapusan ang kaligaya­han ni Paolo Paraiso nang malaman niya na lalaki (Lucas Miguel) na naman ang anak nila ni Mylene Dizon.

Nasa Chicago, USA pa ngayon si Mylene, at plano ni Paolo na magpunta agad doon para makita na ang kanyang mag-iina.

Pero, minalas naman si Paolo last Thursday sa isang event ng Goma Cup sa Boracay, ang water polo. Eh kasi, nahiwa ang kanyang talampakan sa laro na `yon.

Nakatapak daw si Paolo ng isang matalim na sea shell habang nag- lalaro.
Anyway, naagapan naman at nabigyan agad ng first aid si Paolo. Pero, dinala pa rin siya sa isang ospital sa Boracay dahil sa pagkahilo.
***

Maliban sa nangya­ring `yon kay Paolo last Thursday, masasabi ngang sobrang tagumpay ang unang araw ng Goma Cup.

Apat na team ang nag­laban-laban sa water sports. Sina Paolo Paraiso, Jeremy Marquez, Bernard Palanca at Ernie Lopez ang mga tumayong team leaders.

Sina LJ Moreno, Carlene Aguilar, Chesca Litton, Jackie Aspiras, Neil de Guia at April Datuin ang mga kasama sa grupo ni Paolo.

Sa team naman ni Je- remy ay kabilang sina Jeena Lopez, Ameil Cabanlig, Jommy Teotico, at Matt Torres.

Sina Jojo Manlongat, Francis Ricafort, Ynna Asistio, Joan Santos-Pri­mero, Jaime Ripol, Gean Herrera, Stephen Ku, Manuel Chua at ako, ang kasama sa team ni Bernard.

Sa team naman ni Ernie ay kasali sina Bugsy Lising, Carla Humphries, Ricky Gallardo, Maxine Eigenmann, at Bernard Cloma.

Bagama't na-late nang dating si Priscilla Meirelles, kasama ang boyfriend niyang si John Estrada, kasali pa rin siya sa team ni Paolo.

Si John naman ay golf ang nilaro.

Nahuli rin ng dating sina Erik Waldi, Bubbles Paraiso, Michelle Madrigal, at Phoemela Baranda, na mga kagrupo ni Jeremy.

Sina John Lapus, Reema Chanco, Ginger Conejero at Wendell Ramos ay sa team naman ni Ernie sasama.
***

Siyanga pala, enjoy na enjoy ang mga tao sa Boracay dahil nagkalat ang mga magaganda at seksing artista, pati na ang mga guwapo at machong mga actor.

Aba, nagpiyesta nga sila sa mga kaseksihan nina Carlene, Joanne, Ynna, Carla, LJ, Maxine, at marami pang iba.
***

Hindi naman naglaro ng golf si Richard, pero matinding support naman ang ibinigay niya kina Glydel Mercado, Samantha “Gracia” Lopez, Noel Trinidad, Gary Lising, Martin Nievera, Hajii Alejandro at Aira Cruz.

Kahapon ang last day ng mga laro, at kagabi ginawa ang awarding. Friday ng tanghali namin tinipa ang kolum na ito, kaya hindi pa ginagawa ang awarding, at abala pa ang lahat sa paglalaro.

Source: Abante