|
|
| Kaso ni Jobert laban kay Gabby, suportado ng MetAuthor: People's Tonight GAYA ng sinulat ni Vinia Vivar, natuloy nga ang pagsasampa ni Jobert Sucaldito ng kasong breach of contract with damages laban kina Gabby Concepcion at Rose Flaminiano kahapon ng umaga. Matapos ihain ang reklamo sa QC Prosecutor's Office, humarap sa mga kasamahang press ang showbiz columnist-TV host kasama ang abogado niyang si Jorge Miravite at Paul Chuapoco, marketing assistant ng Met Thatione. Naroon si Paul bilang suporta ng kanilang kumpanya sa ipinaglalabang katotohanan ni Jobert. Na wala itong inasahan o inaasahang komisyon mula sa pagbu-broker ng deal sa pagitan ni Gabby at ng Met Thatione. Ayon pa kay Paul, nu'ng hindi nga raw matuloy ang contract signing ng aktor sa kanila, sinabihan pa sila ni Jobert na hayaan na lang dahil baka hindi talaga para sa kanila si Gabby. Actually, dagdag pa ng Met representative, willing silang tapatan ang P5-milyong TF na ibinigay ng competing brand kung inabisuhan lang sila ng kampo ng comebacking actor. Ang mismong may-ari raw ng Met ang talagang may gusto na kunin si Gabby. "We have nothing against him (Gabby), we wanted lang sana na pagbalik niya sa showbiz, makapag-establish siya ng magandang career together with Met. "After all, we have a good reputation in the market. We were actually taking on a risk, kasi nagka-comeback pa lang siya and we have other established endorsers," patuloy pa ni Paul. Sina Lani Mercado, Albert Martinez, Jake Cuenca, Valerie Concepcion, Sherilyn Reyes, Cory Quirino at Ruffa Gutierrez ang ilan sa image models ng Met. Sa ngayon, dahil nangyari na nga ang mga nangyari, todo-suporta raw ang kumpanya sa kaso ni Jobert. At ibinalita rin ni Paul na may pinupuntirya na silang endorser na papalit sa naunsyaming deal kay Gabby. "Surprise na lang muna kung sino siya," tila nanunuksong dialogue pa ni Paul sa showbiz writers. Source: People's Tonight |