Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Katapusan na ng career ni Marian Rivera sa 2009

Katapusan na ng career ni Marian Rivera sa 2009

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

MASAYA ang taping ng New Year's special ng Juicy dahil inimbita nila ulit ang lahat ng press people na nag-guest sa show nitong 2008.

Bukod sa nagbigay ng kanilang fearless forecasts ang ang reporters ay nagbigay din ng showbiz awards for the year ang Juicy na mismong ang guest reporters ang namili.

Ilan sa citations at ang Breakthrough Artist of the Year na si Cristine Reyes ang pinili ng press.

Nandiyan ang Favorite Movie of the Year na napunta sa A Very Special Love.

Ang Newsmaker of the Year ay si Charize sa pagkaka-guest nito sa show ni Oprah at pag-show nito with Celine Dion.

Ang Break-Up of the Year ay napunta unanimously kina Dingdong Dantes at Karylle.

Nagdagdag pa ng category ang ilang matataray na press na sina Jun Lalin, Richard Pinlac, Leo Bukas at Rey Pumaloy na Nega Newsmaker of The Year na unanimously ring napunta kay Marian Rivera.

Baka raw katapusan na ng career ni Marian sa 2009 kung hindi pa rin ito magbabago ng ugali.

At maaapektuhan daw nang husto ang susunod na teleserye nila ni Dingdong na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang dahil nga sa Marian vs Karylle controversy.

Dapat daw kasi ay hindi na pinatulan ni Marian si Karylle.

Lumabas daw tuloy ang tunay na kulay ni Marian sa tao at totoong damdamin niya laban kay Karylle.

Good move naman para kay Dingdong ang patuloy na pananahimik nito sa isyu.

Hayaan na lang nito ang mga babae ang magbanga-yan at maging the perfect gentleman siya sa pama-magitan ng pagiging neutral niya sa isyu.

* * *

PAALIS si Piolo Pascual papuntang U. S. ngayon (Dec. 24) at ang balik niya ay sa Jan. 12 na, in time for his birthday.

Kaya naman nagpa-presscon na ang Love Me Again na year-opener ng Star Cinema for 2009.

Minsan na ring naging year-opener ang isang movie ni Piolo na Don't Give Up On Us with then loveteam, Judy Ann Santos at kumita ito nang husto sa takilya.

The pressure is now on them kung mas kikita itong first movie nila ni Angel Locsin after their very successful TV loveteam sa Lobo.

"Siguro naman. I have faith sa loveteam namin ni Angel at napakaganda kasi ng movie namin na kinunan pa sa Bukidnon at sa Australia," tugon ni Piolo.

Naka-limang pelikula pala silang nagawa ni Juday noon na puro box-office hits.

Bukod sa Don't Give Up On Us, ginawa rin nila ang Kahit Isang Saglit, 'Til Then There Was You, Esperanza: The Movie at isa pa na nakalimutan namin ang title.

At willing daw siyang gumawa ulit ng movie with Juday anytime.

"I've always been open to another movie with Juday. Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil ang laki ng nagawa ng love-team namin sa career ko dati. Kung ready na si-yang gumawa ulit ng movie with me, ready na rin ako. She always brings out the best in me!"papuri pa ni Piolo.

Ipinakita ang trailer ng Love Me Again sa press at nagtilian ang mga hitad nang i-close-up ang 6-pack abs ni Piolo sa lovescene nila ni Angel.

Seksing-sexy si Papa P lalo na sa kanyang Metro cover pictorial kung saan ipinakita niya nang buong-buo ang kanyang mala-Adonis na katawan.

Tinanong namin kung ano ang kanyang sekreto sa pagme-maintain ng perfect body.

"Hindi naman perfect. Sobra na 'yon! I just value my lifestyle. Ang ibig sabihin noon, I don't stay out late. I sleep a lot. I don't eat rice. I don't drink softdrinks although pareho akong kinuha dati ng Coke and Pepsi to endorse their products.

"I also workout as much as my sked permits me. I only eat chicken and fish. And I eat a lot of fruits. My waistline is 30. Naniniwala kasi ako sa kasabihan na if you look good, you feel good!" pahayag ni Piolo.

Pero sorry na lang sa mga kapatid natin na gays.

Kahit katakam-takam ang katawan niya ay ayaw pa rin niyang mag-pose in his underwear.

Sa palagay niya kasi ay hindi naman niya kaila-ngan pang gawin 'yon.

Source: Taliba