Mar 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Katrina, Angel at Marian, binoykot ang FHM! Aubrey, seksing-seksi sa pagrampa!

Katrina, Angel at Marian, binoykot ang FHM! Aubrey, seksing-seksi sa pagrampa!

Author: Abante

PUNUNG-PUNO ng tao na ang karamihan siyempre ay mga kalalakihan ang World Trade Center noong Huwebes ng gabi. Umulan kasi ng nagseseksihan at halos nakahubad na mga babae dahil sa 100 Sexiest Women ng FHM Magazine sa taong 2009.

Nang-isnab ng event or what, pero, wala sa pagka-appear ang ibang mga artistang nakapasok sa top 10 na sina Angelica Panganiban, Anne Curtis, Ehra Madrigal, Katrina Halili, Angel Locsin at Marian Rivera.

Napakahaba ng show dahil sa rami ng production number ng ilang artista. Kaya naman mag-a-ala-una na yata ng umaga nang matapos ang finale, pero in fairness sa mga kalalakihan, wala talagang umalis sa kani-kanilang puwesto hangga't hindi nila nakikitang rumarampa ang number one sexiest nga na si Cristine Reyes.

Na sa tingin naman namin ay sulit ang paghihintay nila na alas-sais pa lang yata ng gabi ay nasa loob na ng World Trade. Super sa kaseksihan si Cristine ng gabing 'yun at sabi nga niya, “'Di ba, nag-promise naman ako na magiging seksing-seksi talaga ko? At saka, sobrang proud ako at siyempre, ibinabalik ko rin naman 'yung ginawa ng mga taong sumuporta sa akin kaya nag-number one ako sa FHM,” sey niya.

Sigaw raw siya nang sigaw bago siya rumampa dahil natetensiyon siya.

Kung kabado man, hindi 'yun nahalata kay Cristine, parang confident naman siya habang sumasayaw at rumarampa sa stage at may ilang segundo ring pinagbigyan ang mga kalalakihan na makuhanan siya ng picture at masilayan nang matagal-tagal ang kanyang kaseksihan with her two-piece black bikini.

Bukod sa seksi, napaka-flawless naman kasing talaga ni Cristine na in all fairness to her, deser­ving siyang talaga sa title na napanalunan ngayon, na kung saan natalo niya ang mga dating reyna nga like Ma­rian, Angel and Katrina.

Tipong nagpaka-safe naman sa kanilang mga outfit sina Andrea del Rosario, Jenny, Paw, Krista Ranillo, mga young stars like Sheena, Charisse Solomon at iba pa dahil parang normal outfit lang nila ang mga suut-suot nila sa pag­rampa.

Pero, isa si Iwa Moto sa masasabing well-applauded sa pagrampa, gayundin si Aubrey Miles na tahasan naming masasabi na lalamunin niya ng buung-buo ang mga kadalagahan sa kaseksihan kesehodang dalawa na ang anak niya and her recent baby with Troy ay magwa-one year old pa lang naman!

Source: Abante