|
|
| Katrina, Angelica at Roxanne, patalbugan!![]() Author: Jun Nardo WALANG balak si Mother Lily na habulin si Katrina Halili sa pagpirma nito ng kontrata sa OctoArts Films kung saan dalawang pelikula ang agad nitong gagawin. Dati ay hindi basta pinapayagan ng Regal matriarch ang mga contract star niyang gumawa ng movie outside her production. Ngayon ay hinahayaan na lang ng producer ang mga hakbang ng artistang pinapirma niya. Pahayag ni Katrina sa contract signing niya sa OctoArts sa isyung ito, “Ang pinirmahan ko po sa Regal, four movies for two years. Pinabasa ko sa attorney ko 'yung contract. Tapos na 'yung two years pero three movies lang ang nagawa ko. Sabi ng attorney ko, tapos na raw!” Ayon pa sa sexy star, four pictures ang pinirmahan niya sa OctoArts pero non-exclusive kaya puwede pa siyang gumawa ng pelikula sa ibang production. May milyones ba ang halaga ng kontrata niya sa OctoArts? “Hindi ko po alam! Ha! Ha! Ha!” sagot niya. Hindi niya alam, eh, siyempre, nakita niya ang kontratang pinirmahan niya, huh?! “Hindi ko nabasa kasi nagtiwala ako sa manager ko! Hindi, joke lang! Ha! Ha! Ha! Ahh, huwag na nating pag-usapan 'yon. Basta, masaya ako at marami akong trabaho!” tugon niya. May dapat bang panghinayangan ang GMA Films at hindi siya pinapirma? “Siguro, wala pa silang...Kasi, ang GMA Films, last year, dalawa lang ang ginawa nila at ngayon, wala pa yatang ginagawa. “Hindi ko alam sa kanila. Baka wala pa silang tiwala sa akin! Joke! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Katrina. Sa filmfest entry ng OctoArts na One Night Only, makakasama niya ang stars ng Channel 2 na sina Angelica Panganiban, Roxanne Guinoo, at kapwa Kapuso niyang si Iwa Moto. Wala bang problema sa kanya 'yung apat silang lead stars? “Okey lang po...Ay, teka muna. Nasamid ako. Nu'ng in-offer sa akin ito, ako lang ang alam kong artista at wala pa akong alam na kasama. “Saka ko na lang nalaman 'yon, si Roxanne,” sagot niya. Hindi pa raw nababasa ni Katrina ang script ng movie pero alam niyang makulit ang role niya. Gano'n siya ka-daring? “Sexy. May sugar daddy ako. Sexy comedy. Hindi naman siya sobrang daring. “Love scenes? Marami na rin naman akong nagawang love scenes. “Ako naman, kahit saan, ang limitations ko, ayokong nakikita ang private parts ko! Kahit gaano siya ka-bold, ayokong makita ang private parts ko. “Eh sa SM theaters, ayaw nila ng sineng nagpapalabas ng ganoon! So, suwerte ako sa panahon ko! Ha! Ha! Ha! “Kasi before, kailangan mong magpa-sexy para umangat ka! Hindi na ganoon ngayon! Hindi na uso 'yung ganoon,” katwiran pa ng sexy actress. “Hindi ko naman sinasabing kaya kong talbugan! Pero siyempre, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko! “Siguro naman, napapanood niya na nag-i-improve ako every project na binibigay sa akin, 'di ba?” sey niya. Sa One Night Only, meron siyang sugar daddy. Hindi ba siya natatakot na maungkat ang tsismis sa kanyang may nag-aalaga sa kanyang DOM (dirty old man)? “Bahala na po sila sa issues nila! Hayaan na nilang apihin ako nang apihin! Marami naman akong blessings na natatanggap! “Mabuti nang inaapi ako para magdusa ako sa blessings! Ha! Ha! Ha!” halakhak ni Katrina. Ano ang masasabi niya sa detractors niya at ayaw siyang tigilan sa paninira? “Well, gustung-gusto ko na huwag nila akong tantanan. Kasi, gusto kong naaapi ka. Kasi, 'pag naaapi ka, tuluy-tuloy ang blessings ko at tuluy-tuloy ang pagdurusa nila dahil hindi sila nagwawagi! Ha! Ha! Ha!?” Magsasabong ang grupong Sex Bomb at Kitty Girls sa Agosto 1 sa Zirkoh-Timog. Patalbugan sila sa husay sa pagsayaw at pagpapamalas ng alindog. Sa special show na ito, nagpapasalamat ang producer kina Daniel at Marjorie Schultz. Para sa tickets, text kayo sa 0919-3165000. *** Source: Abante |