|
|
| Katrina, Diana, Val at Jen, nagpatalbugan sa kaseksihanAuthor: Gerry Ocampo Nagpatalbugan sa pictorial ang sexy cast ng One Night Only na sina Katrina Halili, Diana Zubiri, Valerie Concepcion at Jennylyn Mercado. Ani Katrina, isa sa leading ladies ni Dennis Trillo sa Gagambino, super sexy daw si Jennylyn ngayon. âNoon, parang Nene ang tingin ko sa kanya. Pero ngayon, parang hindi nanganak si Jen. âSexy Mamaâ nga ang tawag ko sa kanya, eh,â dagdag ng aktres. Para kay Jen, mas daring ang mga kuha niya sa coffeetable book na malapit nang ilabas. Bukod kasi sa huboât hubad na pictorial, makikita rin sa libro ang picture ng lovechild nila ni Patrick Garcia, pati na ang kanyang pagbubuntis. Ipinakita sa amin ni Becky Aguila ang ilang pictures ni Baby Jazz na kuha ng cellphone camera sa presscon ng Energo ni Valerie Concepcion kamakailan. Mata at labi raw ni Patrick ang namana ng bagets, pero ang ilong nito ay kuhang-kuha kay Jen. Wala pa raw definite date ang launching ng coffeetable book ng alaga niya, dahil plano nilang isama rito ang mga kuha isasagawang binyag ni Baby Jazz. * * * Sa bonggang presscon pa rin ng pinakabagong telefantasya ng GMA-7 na mula sa panulat ni Direk Carlo J. Caparas, humarap sa press si Jean Garcia na naka-make-up at suot-babaing insekto. Ani Jean, mas mahirap ang role niya sa Gagambino kesa sa Dyesebel, kung saan lumalabas siya bilang sirena. Dual role kasi ang sa Gagambino at kinakailangang ulitin ang make-up niya tuwing magiging insekto ang karakter niya. Kahit mahirap ang role, masaya pa rin si Jean dahil sa ganda ng takbo ng showbiz career ngayon. Hindi nga naman siya nawawalan ng project sa Kapuso Network. May tsika mang nagkakalabuan sila ng rumored boyfriend na si Polo Ravales, kasama rin sa cast ng Gagambino, inabsuwelto pa rin ito ng aktres sa sitsit na ibinili niya ito ng isang condo unit. âMay condo unit ako, pero hindi ko ibinigay kay Polo,â pahayag ni Jean. HIndi raw siya ang klase ng babaing gumagastos sa karelasyon. May trabaho naman daw ang actor, so, unfair ang mga ganuâng balita. âMay silbi si Polo, hindi siya tipong pala-asa,â dagdag na say pa ni Jean. Source: People's Tonight |