Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Katrina Halili, Maricar Reyes naging Pantasya ng Bayan

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

MAGMULA nang sumabog ang sex video scandal nina Katrina Halili at Maricar Reyes kay Hayden Kho, karamihan ng kalalakihang nakakausap namin ay nag-iilusyon din 'matikman' ang dalawa particular si Maricar.

Biglang naging pantasya ng kalalakihan ang dalawa. Kaya 'di kami na-bigla nang magbalik-showbiz sina Kat at Maricar, dumami ang mga tagahanga at tagasuporta nila.

Last Sunday sa ASAP ay rumampa na si Maricar na ikinagulat ng mga reporter dahil akala ay titi-gil na ito sa pag-aartista.

Samantalang nga-yong Linggo naman ay lalabas na si Katrina sa SOP tanda ng pagsabak nito ulit sa showbiz.

Pagpapatunay lang na sinusuportahan pa rin ng GMA7 ang showbiz career ni Katrina, dahil bu-kod sa SOP, may project pa itong gagawin sa Kapuso bukod sa pagiging Fedra sa Rosalinda.

Samantalang inirespeto rin ng ABS-CBN ang pananahimik ni Maricar sa controversial at intri-gang sinapit.

Tulad ni Katrina ay hindi rin pinabayaan ng Dos ang career ni Mari-car at bilang patunay ng suporta ng Kapamilya kay Maricar, dalawang TV projects ang ibinigay sa kanya ng management, isa na rito ang pagkakasama niya sa May Bukas Pa bilang taong grasa. In short biglang nakilala at sumikat si Maricar na ta-lent ng Star Magic na unang napanood sa I Love Betty La Fea bilang Candy, ang ex-girlfriend ni John Lloyd Cruz.

Sa pagiging active ulit nina Katrina at Maricar sa showbiz, dalangin ng kapwa kababaihan na ma-kamtam ng dalawa ang katarungan sa sinapit sa kamay ng mga taong bu-maboy sa kanilang pag-katao.

* * *

KUNG mabibigyan ng choice si Keempee de Leon, ang type niyang role sa susunod na soap ay kontrabida dahil isang malaking challenge daw ito sa isang artista.

Aniya: "Ang maganda kasi sa GMA7, bini-bigyan kami ng pagka-kataon umikot in terms of the role given us. " Imagine nga naman, noong bata pa siya ay identified na siya sa action, tapos sa comedy at gay role. Ngayon, as host ng singing contest na Are You The Next Big Star? with Regine Velasquez,

Kaya gusto naman ni Keempee na gumanap na kontrabida o 'yon bang nambubugbog ng bida pa-ra maiba at wala siyang pa-kialam kung kamuhian siya ng madlang people.

Sa tsikang papasukin na rin niya ang politics. Isang mariing "hindi!" ang naging tugon ni Kimpoy.

Tutulong na raw siya sa pangangampanya kay Ouezon City Vice Mayor Herbert Bautista na lalabang Mayor sa Quezon Ci-ty sa 2010 election.

* * *

SPEAKING of Vice Herbert Bautista, hiningan na-min siya ng reaction sa sex video scandal nina Katrina Halili at Hayden Kho.

Sa rami ng naging kare-lasyon niya noong hindi pa siya politician, hindi ba niya nakatuwaang kunan ng sex video ang mga nakarelasyon for personal collection?

"Hindi ako nagbi-vi-deo. Hindi pa uso 'yan noon. I`m a gentleman and I really respect women, that`s it," say ni Bistek.

Sa sex video naman nina Katrina at Hayden, Nasabi niyang: "I think, may consent nila 'yon. Pa-reho nilang ginusto 'yon to show their love and affection for each other. Ang mali lang at hindi maganda, bakit kailangang ku-nan pa or i-video pa, di ba? That`s the worst na pangyayari. Bilang lalaki, dapat you should res-pect your partner. Babae pa rin 'yon. Kaya nga ako, malaki ang respeto ko sa mga babae. "

Pagdating naman sa usaping showbiz, hin-ding-hindi raw niya puwedeng iwanan ang pagiging artista. Naghihintay lang daw siya ng magandang offer sa movies at maging sa telebisyon.

Kahit na raw anong hirap ang ginagawa niya ngayon ay hindi niya basta matatalikuran ang local showbiz.

* * *

SA Ripley`s Believe It Or Not hosted by Chris Tiu ngayong Lunes, doktor pinagkakaguluhan ang mga likhang sculpture dahil gawa sa kata-wan ng mga taong namatay.

Binata may pinaka-ta-lented na dila sa buong mundo.

Sa haba ng dila at husay nagagawa niyang dilaan ang sariling pilikmata.

Players, sasabak sa isang mainit na labanan sa golf tournament sa git-na ng nagyeyelong golf course. Engineer napakataas ang posisyon sa trabaho, tagapalit ng bombilya sa tuktok ng Empire State Building. At aso susubukang gumawa ng bagong world re-cord sa canine jumping rope. Kailangan nitong higitan ang animnapu't tatlong sunud-sunod na talon.

'Yan ang mga kakaiba, kagulat-gulat at kaha-nga-hangang ikukuwento ni Chris Tiu pagkatapos ng GMA Telebabad.

Source: Taliba