|
|
| Katrina Halili bagong Miss XAuthor: Leo M. Bukas SI Katrina Halili ang napili ni Direk Gil Portes na gumanap na bida sa remake ng pelikulang Miss X na ginawa noon ni Vilma Santos, 28 years ago, na siya rin mismo ang direktor. Kahapon ay pumirma ng kontrata si Katrina kasama ni Direk Gil, Orly Ilacad ng OctoArts Films at ni Direk Joey Reyes na ididirek naman si Katrina sa filmfest entry ng OctoArts na One Night Only. Excited and the same time pressured si Katrina sa malalaking nangyayari sa kanyang movie career ngayon. Dalawa kasing magkasunod na pelikula kaagad ang kanyang gagawin anytime this year. Ayon kay Direk Gil, isang acting piece for Katrina ang Miss X. Dito raw maipakikita ng sexy actress na isa na siyang magaling na artista. "Dati hindi ako kinakabahan lalo na nu'ng hindi pa kami nagkakaharap-harap ng mga magiging direktor ko, pero ngayon, kabado na ako. Nakakatakot pala," pahayag ni Katrina sa presscon at contract signing. Pupunta rin ng Amsterdam si Katrina para do'n mismo magsyuting ng Miss X. Ayon kay Direk Gil, dahil iba na ang gene-ration natin ngayon kaya ginawa niyang mas modern ang Miss X version ni Katrina. Handa na ba siyang magbilad ng katawan sa pelikula? "Actually, hindi na naman po 'yon bago sa akin. Matagal na naman akong nagpapaseksi sa mga pictorials, fashion show at sa movie. Ready na ako. "Malaki rin ang tiwala ko sa aking direktor. Alam kong hindi niya ako pababayaan" wika pa niya. Nang tanungin kung bakit sa OctoArts Films at hindi sa GMA Films siya pumirma ng kontrata ay ito lang ang sagot niya. "Wala naman po silang offer sa akin, eh!" Source: Taliba |