|
|
| Katrina Halili hindi payag na mas seksi sa kanya si CristineAuthor: Tonee Coraza Hindi affected si Katrina Halili sa "grand entrance" na ginawa ni Diana Zubiri sa prescon ng One Night Only. Nagkataon daw na gini-nnaw siya ng hapong 'yun kasi maulan kaya hindi siya nagsuot ng isang very revealing outfit tulad ni Diana na halos luwa na ang boobs. Sa nagdadala naman daw 'yun at hindi siya papayag na mas sexy si Diana sa kanya. "Dapat ang sarili natin ang idolo natin, 'di ba?" Hindi rin siya affected sa biglaang pagsikat ni Cristine Reyes bilang bagong "Pantasya Ng Bayan" dahil sa teleseryeng Eva Fonda nito. Sa katunayan natutuwa pa nga siya para kay Cristine dahil ka-batch niya ito sa Starstruck at close sila nito. Aminado rin siya na hindi sisikat nang ganoon si Cristine ngayon kung na-natili ito sa GMA. "Actually, puwede rin siyang sumikat kung nag-stay siya sa GMA kasi magaling naman talaga siyang artista. Kaso mata-tagalan nga lang ng konti," honest opinion ni Kat. Pero tulad din Diana, hindi siya payag na mas sexy sa kanya si Cristine. "Kumbaga, 10 ako, 9 naman si Cristine! Siyempre love your own! Hahaha!". * * * Now it's Karylle's turn. Pagkatapos ni Dingdong Dantes si Karylle naman ang binigyan ng bonggang-bonggang media launching ng Bench Body sa Trinoma last Saturday. Napaka-sexy ni Karylle sa suot niyang spaghetti strap na blouse kung saan nagpi-peek-a-boo ang kanyang suot na colored bra top ng Bench Body with matching mini-skirt at net stockings. Kumanta siya ng tatlong fast sexy songs na sinaba-yan niya ng napaka-sexy na sayaw. Nakakaloka ang finale kung saan may lumabas na 10 naggu-guwapuhang male foreign models na half-nude na pinaligiran si Karylle na animo isa siyang dyosa. Kung napanood lang ni Dingdong ang ex-GF niya ng gabing 'yun ay malamang nagsisisi na siya ngayon na pinakawalan pa niya si Karylle. Proud na proud na nanood si ZsaZsa Padilla sa front row na seksing-sexy rin sa suot nitong plunging neckline na black dress. Aba mas boobsie pa siya kay Karylle at parang mag-kapatid lang sila ng anak niya. * * * Natuwa kaming panoorin ang Mrs. Phils 2009 Swimwear Competition na ginawa sa Dusit Thani Hotel last Friday afternoon. Lahat ng 28 official candidates ay rumampa nang naka-swimsuit. Nagkaroon din ng bonggang Evening Gown Competition last Sunday sa Manila Pavillion na sayang at hindi kami nakapunta dahil nasabay sa Christmas party ng GMA for the press. Apat ang bet namin. Ang pinakabatang candidate na No. 7 (Donabel Deinla) na nanalo palang 2nd runner-up sa Subic Modelling competition; candidate No. 16 (Alejande Gutierrez) na kamukha ni Maui Taylor; candidate No. 27 (Ivy Matatuan) na isang Visayan beauty at candidate No. 28 na nanalong Bb. Pilipinas World 2003. Lahat ng 28 candidates ay maglalaban-laban sa limang major titles -- ang Mrs. Phils. World, Mrs. Phils. Earth, Mrs. Phils. Globe, Mrs. Phils. Universe at Mrs. Phils. Galaxy. The grand pageant will be held tonight (Dec. 17), 7p. m. at the Aliw Theater. It will be telecast on Dec. 20 at QTV11 9-11p. m. Hosts will be Congressman Edza Zialcita, Paolo Bediones and Pops Fernandez. Guests include Gary Valenciano, Eric Santos, Pauleen Luna, Candy Pa-ngilinan, Gian Magdangal and Martin Nievera. The pageant is being produced by Z-Men of Joel Mendez. Source: Taliba |