Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Katrina Halili humihingi ng tawad sa mga taong nasaktan dahil sa pakikipagrelasyon kay Dr. Kho

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

BUGBOG si Katrina Halili ngayon sa isyu na nag-karelasyon sila ni Dr. Hayden.

Ito raw pakikipagre-lasyon ni Katrina kay Dr. Hayden Kho ang naging strong reason ng paghihiwalay nina Hayden ang Dr. Vicky Belo.

Pero, ipinagpilitan ni Katrina na short-lived relationship lang iyon. Nangyari raw 'yon bago niya naging boyfriend si Kris Lawrence.

Ayon kay Katrina, masyado na siyang api sa isyu. Kaya sumama siya sa America kay Kris at para ma-meet din niya ang parents ng binata ro-on.

Ang mga pinagsasabi ni Dr. Hayden tungkol sa umano'y kanilang 're-lasyon', hindi na raw 'yon nagugustuhan ni Katrina.

Sa interview sa Eat Bulaga kay Dr. Hayden last Jan. 1, kanyang na-sabi na plano niya sa 2009 na mag-concentrate sa profession niya bilang doctor.

Sa panayam naman kay Kris, ayon sa binatang singer na naipaliwanag na raw lahat sa kanya ni Katrina ang sitwasyon bago pa pumutok ang isyu sa kanila ni Dr. Kho.

Samantala, sa interview kay Katrina sa 24 Oras nitong Monday, nagso-sorry siya sa mga taong kanyang nasaktan dahil sa napakalaking pagkakamali niyang ma-kipagrelasyon kay Hayden.

* * *

MASAYA ang Bagong Taon para kay Joey de Leon dahil ang movie nilang Iskul Bukol: After 20 Years ay patok na pa-tok sa takilya sa '08 Metro Manila Film Festival.

Balitang no. 1 na nga-yon ito sa takilya. Pero, may nagsasabi namang neck-in-neck pa rin sila ng Ang Tanging Ina Ninyong Lahat ni Ai Ai delas Alas.

Suwerte rin si Joey sa TV shows niya last 2008. No. 1 pa rin ang Eat Bu-laga.

Tapos, ang pre-prog-raming nito tuwing Sa-turday at ng SOP tuwing Sunday na Takeshi's Castle ay patuloy pa ring namamayagpag sa ratings game.

* * *

SA pagpasok ng 2009, gawing kasiya-siya at exciting ang unang Biyernes ng taon kasama ang most-awarded and longest-running gag show ng bansa, ang Bubble Gang.

Simula pa lang ng taon ay magpapasabog na ng walang humpay na pagpapatawa sina Ogie Alcasid, Michael V, Rufa Mae Quinto, Diana Zubiri, Wendell Ramos, Antonio Aquitania, Francine Prieto, Maureen Larrazabal, Boy 2 Quizon at Paolo Contis.

May mabibiktima ng paputok, may takot umatend ng Christmas party, may dadaan sa isang tapal-tapal na operasyon at may tutuklas sa kanyang tunay na kasarian.

* * *

SA Kap's Amazing Stories ni Sen. Bong Revilla, tatalakayin ng New Year's episode ang tungkol sa mga hayop na matatatag at magaganda ang diskarte sa buhay para lang maka-survive.

Sasagutin ni Bong ang mga katanungang:

Mabuhay ka pa kaya kung lahat ng tao sa mundo ay gusto kang pata-yin?

Tatagal ka ba ng ilang buwan sa ice nang walang alisan, walang ihian at dumihan?

Magagawa mo bang mabuhay ulit kapag ikaw ay namatay?

* * *

NGAYONG Lunes sa programa ni Chris Tiu na Ripley's Believe It Or Not, maniniwala ka ba sa mga kuwentong kakaiba o hindi pamilyar sa iyo?.

Halimbawa:Isang la-laki, kinain ng amag ang ilong at mga mata. Buhay nga, pero burado ang mukha.

Keso, kinain ng mga uod. .. saka kakainin ng mga tao.

Aso , kaagaw ng tao sa mga palabas dahil adik sa panonood ng TV.

Sky diver, tatalon mula sa eroplano papunta sa isa pang eroplano. .. 'di gagamit ng parachute.

Plastic, pansapin sa babasagin na gamit, hit na hit bilang damit.

Mula sa matakaw sa pagkain. .. talamak sa bis-yo. .. hanggang sa uhaw sa atensyon. .. magpapakitang gilas para kabiliban.

* * *

BUBUYAHIN ulit ng Dear Friend ngayong Sunday ang love team ni-na Lovi Poe at Marky Cielo.

Unang napanood ang nakakikiliting love team ng dalawa sa soap na Ba-kekang.

Nag-click ang kani-lang tandem at hinanap-hanap ito ng kanilang napakaraming fans.

Kaya naman, bilang pag-alaala sa magandang samahan ng dalawa, pinagtambal ulit sila sa Dear Friend.

At sa La Lola, pinaii-nit na naman sana ang kanilang love team. Pero, naging short-lived lang ito dahil sumakabilang-buhay na nga si Marky last Dec. 7.

Sa loyal fans nina Mar-ky at Lovi, huling pagka-kataon na masilayan ulit ang dalawa na magkatambal sa isang drama antho-logy tungkol sa teenage love story sa Dear Friend.

Host ng show sina Jo-lina Magdangal at Mar-vin Agustin, mapapanood ang programa pag-katapos ng SOP nga-yong Sunday.

Source: Taliba